The first time I heard about “artista” in reference to Filipinos in Korea, I got confused. I thought people were referring to Angel Locsin, Diether Ocampo and Sam Milby who were filming a television show that time. It was six years ago ~ the three were here for the Filipino version of “Only You”. I was there early in the morning when only a handful of “mirons” were around.
So a group of “mirons” were talking about how lucky there early and then they started talking about “artistas” since we were in Hyewha. I didn’t ask and it was only through a Facebook argument that I got to learn what an “artista” in Korea is. Oh I was not part of it, I was just a “miron” again witnessing how a simple question could escalate to an online verbal war.
Ano nga ba ang artista? Kung sa ibang bansa ay tinatawag na “tago nang tago” ang mga Pilipino na wala nang papel, dito sa Korea ay iba ang tawag sa kanila. Sila ay mga “artista” dahil kailangan nilang “umarte” para hindi mahalata tuwing sila ay lalabas. Kailangan na hindi sila mahalata pag gumagalaw sa mga lugar na maraming nagmamasid.
Ang “paparazzi” naman ay ang salitang ginagamit sa mga humahabol sa artista. Lagi nilang sinusundan o hinahabol ang mga artista. Alam na kung sino sila! Nakakatuwa man ang mga gamit na salita ng mga Pinoy sa Korea patungkol sa mga walang papel at sa ahensiya ng gobyerno subalit hindi maikakaila na napakahirap ng buhay nila.
Ang mga artista ay lagi na lang nabubuhay sa pangamba na mahahabol din sila ng paparazzi. Kahit na mahirap maging artista sa Korea, napipilitan ang marami na makipagsapalaran na lang para sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Ano ang gagawin mo kung may kilala kang artista? Sa pagkakaalam ko, hindi man nila nasunod ang batas sa pagkakaroon ng “papel” ay nagtatrabaho naman sila ng maayos ~ ang marami sa kanila ha.