LP: Kandado

Litratong Pinoy entry for July 2, 2009
[singlepic=1102,450,450]
Mahigit isang buwan na rin akong hindi nakasali sa Litratong Pinoy. Minabuti ko nang dito ipagpatuloy ang aking mga lahok – dahil ayaw akong tanggapin ng isang blogad dahil daw sa paggamit ng Tagalog sa isa kong blog 🙂
Para sa linggong ito, ang tema ay “kandado.” Ang mga kandado sa larawan ay kuha sa N Seoul Tower dito sa Seoul, South Korea. Tinatawag na “locks of love”, ang mga magsing-irog ay nagkakabit ng kanilang kandado bilang pangako ng kanilang pagmamahalan. (Ang jologs!)
Bisitahin ang iba pang mga lahok sa linggong ito sa Litratong Pinoy.

6 comments

  1. wow meron palang ganyan sa Korea. Sana pwede rin sa Pinas kaya lang baka sabihin korni din tayo. dyan na lang siguro

Leave a Reply