REGALO: Cash sa halagang 30,000 won!!!
Magandang araw po sa inyong lahat! Sa lahat po ng ating mga kababayang Pilipina na may asawang Korean (hiwalay o divorced ay maaaring sumali), ang announcement na ito ay para po sa inyo. Inaanyayahan po naming dumalo sa isang research study.
LAYUNIN: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mas lalo pang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipinong babae at ang kanilang mga anak.
ANO: “Filipino Women’s Diet and Health Study (FiLWHEL)†Phase II(Lead by Sookmyoong Women’s University and Hanyang University Guri Hospital)
KAILAN:
March 1, 2015 (Sunday)
May 17, 2015 (Sunday)
March 22, 2015 (Sunday)
May 31, 2015 (Sunday)
April 5, 2015 (Sunday)
June 14, 2015 (Sunday)
April 19, 2015 (Sunday)
June 28, 2015 (Sunday)
Note: Maari po kayong pumili ng pinaka-komportabling petsa para magparticipate. Kailangan po lamang pumili ng isang araw para lumahok.
SAAN: Hanyang University Wangsimni Hospital, Hanyang University Guri Hospital, at kong marami po kayo sa inyong area: 50 ka tao o mahigit pa (example: specific location in Kyeonggi and Seoul area, Incheon, and other places) kami napo ang pupunta sa inyo. Kong marami po kayong mga kaibigan o kakilala, pakilista nalang po ang mga pangalan at cellphone number, at kompletong pangalan na ginamit sa FACEBOOK at ischedule natin ang pagpunta sa inyong lugar. Pakikontak nalang po kami kaagad! First-call, first serve!
PAANO: Mayroon po tayong sasagutan online tapos punta po tayo sa hospital or center para sa blood test, dietary assessment, at ibang mga procedures para macheck po ang ating katawan at doon po ibibigay ang konting cash gift na 30,000 won.
At para po doon sa mga nakajoin na last time, meron din po tayong sasagutan subalit konti na lang at hindi na po kailangan pupunta pa sa hospital or sa center. Online survey na lang po. Meron 10,000 won cash at small gift.
PAGHAHANDA
-Kailangan pong magfasting (walang pagkain/juice/coffee-tubig lang ang pwedi) at paninigarilyo sa loob ng walong oras bago ang blood test.
-Iwasan din po nating uminom ng alak, dalawang araw bago ang blood test.
-Pakidala po ng mga vaccination record ng inyong mga anak (kong meron pa).
-Bills ng koryente or tubig (para makuha naming ang exact address na kailangan sa pagsend ng mga resulta).
-Bote/balat ng gamot o vitamins (kong meron po kayong iniinom).
-Huwag po kayong magsuot ng one-piece dress (whole dress) o stockings (ok lang ang medyas). Para hindi po tayo mahirapan sa ibang procedures.
Contact us: 02-6748-7561/010-6240-0601
Please share this information. Maraming salamat po!
Interesting, thanks for sharing Betchay! Will definitely share this to someone I know who fits the description, cheers! 🙂