Philippine Ambassador’s Holiday Message

Photo from PIKO

Mensahe ng Ambassador

Mga minamahal kong kababayan,

Kaisa ng inyong mga kaibigan sa Embahada ng Pilipinas, nais kong ipaabot ang aking mainit na pagbati para sa isang maligaya, mapayapa, at makabuluhang Pasko at Bagong Taon sa lahat ng Filipino at kaibigan ng Pilipinas sa South Korea.

Ang taong 2016 ay nagdala ng madaming pagbabago sa ating bansa. Sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Rodrigo R. Duterte, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay patuloy na itinataguyod ang pag-unlad ng ekonomiya, seguridad, at kapayapaan habang nilalabanan ang katiwalian at ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Nais kong ipaabot ang aking lubos na pasalamat sa mga Filipino sa South Korea para sa inyong suporta at pakikipagtulungan sa Embahada. Kayo ang inspirasyon sa patuloy naming pagsusumikap na maghatid ng mahahalagang serbisyo at paglilingkod upang makamit ang mga mithiin ng bansa.

Ngayong Kapaskuhan, hinihikayat ko ang aking mga kababayan na gunitain at ipagpasalamat ang mga biyaya na ating natanggap nitong nakalipas na taon. Nawa’y tuloy-tuloy na pagpalain ng ating Poong Maykapal ang Pilipinas at ang sambayanang Filipino.

Muli, isang maligayang Pasko at manigong Bagong Taon po sa ating lahat.

Sumasainyo,

RAUL S. HERNANDEZ
Ambassador

Message from the Ambassador

Source P.E SEOUL FB

Leave a Reply