EPS KOREA: Samu't-saring tanong

Answers to the most asked questions about EPS Korea or the Employment Permit System.
Q: Saan po bang agency para makapagtrabaho sa Korea?
A: Wala pong agency dahil government to government ang hiring. Sa POEA lang po talaga ang paraan para makapagtrabaho sa Korea.
Q: Paano mag-apply?
A: Una, pumunta sa E-Registration page ng POEA para magpa-rehistro. Siguruhin na merong valid na passport at scanned photo ID. Pangalawa, hintayin ang announcement ng POEA para sa EPS-TOPIK (KLT) exam application. Ang application ay online lang at hindi na kailangan pumunta ng POEA. Siguruhin na makapagbayad at i-print ang resibo para sa araw ng exam.
Q: Kung nasa abroad ako, pwede ba mag-apply sa EPS-TOPIK?
A: Pwede mag-apply sa EPS-TOPIK kahit nasa abroad pero siguruhin na makakauwi ng Pilipinas para sa araw ng exam.
Q: Ano ang pinagkaiba ng TOPIK at EPS-TOPIK?
A: Ang TOPIK ay general test ng Korean at kailangan ito para makapag-aral sa Korea at sa pag-aapply sa residence visa sa Korea. Ito rin ang test na kinukuha ng mga may asawang Korean para makakuha ng F-6 visa.
Q: May age limit po ba? Heigh limit?
A: May age limit at ito ay 38 sa panahon ng application para sa exam. Wala pong height limit.
Q: Paano kung merong scar sa lungs or color blind?
A: Hindi lang ang pagpasa sa EPS-TOPIK ang tinitingnan sa pagha-hire. Importante rin ang pisikal na kalusugan. Kung merong scar sa lungs at color vision disability (or color blind) ito ay madi-disqualify sa recruitment.
Q: Pwede ba mag-self study or kailangan sa Korean language center mag-aral?
A: Hindi po importante kung saan natuto ng Korean language. Okay lang kung self-study at okay din kung sa Korean language center. Ang importante ay maipasa ang test.
Q: Kailan ang susunod na KLT or Korean language test?
A: Ang KLT or EPS-TOPIK ay ginaganap ng isang beses isang taon. Karaniwan ito ay ginagawa sa spring. Noong 2016, ang application ay naganap mula March 1 to 3 at ang test ay April 2. Para sa 2017, hintaying ang announcement ng POEA.
Q: Sigurado na ba na may trabaho pag nakapasa sa EPS-TOPIK?
A: Hindi po. Pag nakapasa sa test, ilalagay ang pangalan sa listahan ng pwedeng pagpilian ng Korean employer. Hangang dalawang taon lang na nakalagay sa listahan ang pangalan at kung hindi makuha ng employer ay mawawala ang pangalan sa listahan at kailangan uli mag-test.

Source: SENTBE (Remittance Service)

Q: Magkano ang sweldo ng mga EPS workers sa Korea?
A: Ang basic na sweldo sa Korea para sa taong 2017 ay 6,470 won kada oras. Kung nagtatrabaho ng 40 oras sa isang lingo, ito ay 1,352,230 won sa isang buwan. Basic lang po yan at hindi pa kasama ang overtime. Sa Philippine peso, ang 6,470 ay 266 pesos at ang 1,352,230 won ay 55,592 pesos.
Kung may tanong po, wag mahihiyang mag-comment sa ibaba at sisikapin na masagot ang tanong sa abot ng makakaya.

66 comments

  1. Mam mag aapply po sana ako ng tourist visa, ang asawa ko po eps, hindi ko po sasabihin na eps hubby ko don, ma tetrace po ba sya kung sakali, kase sa marital status lalagay q dun name ni hubby, di ko rin po alam kung anung contact number ang ilalagay ko sa kanya.. salamat po

    1. Hi! Hindi ko sinagot agad kasi tinanong ko yung friend ko na may multiple visa at E9 ang asawa. Sabi niya ginamit nya yung BDO card nya (kasi may promo ang BPI at BDO credit card holders). Sa marital status daw, nilagay nya name ng husband niya at residential address at sa contact number yung isang phone number niya. Pero hindi ko alam kung nagche-check ang embassy.

      1. hi mam, ask ko lng po totoo po ba na free food and accomodation kpag nagwork sa korea? anu po mga benefits ng employee?

    1. 3 years po with 1 yr and 10 months extension, tapos pwede bumalik after 3 months kung sincere worker (ibig sabihin hindi nagpalit ng employer kahit minsan)

    1. may vacation leave po ang mga EPS every year at depende po sa inyo kung gusto nyo umuwi every year

  2. gud am po maam pwede pu b sa korea ung operada?2008 p pu un..apendics po.pero snay po ako sa mbibigat n trabaho.thanks po

    1. Hi! Ang sincere worker yung hindi nagpalit ng pinagtatrabahuhan mula umpisa hangang matapos ang kontrata o visa.

  3. hi po.. may tanong po ako about sa amnesty last year..may friend po kasi akong nag.surrender last November 7 2016, effective pa po ba that time ang amnesty ng south korea ? And diba po may amnesty ? makakabalik pa po ba siya ? 11 months lang po siya nag.tnt d2 sa korea..makakabalik pa po ba siya ? hoping for your reply.. thanks

    1. Hi Jener! Yes effective ang amnesty that time. Makakabalik naman siya pero depende sa mga dokumento na ipapakita nya.

  4. I’m looking for bloggers and blog owners who would be willing to do a partnership.
    If you’re willing to write on a given topic and post it on your blog or you’re willing to publish one of my posts on your site for a FEE answer the form below.
    Fill this form => https://goo.gl/forms/jfFS9lypkculuJO52
    Topics may include social media, food, travel, parenting, family, relationship, practically anything under the sun.

      1. Hello Mam, kapag nasa korea ka na as factory worker, di ka ba pde umuwi ng pilipinas within 1 year or diretso ang stay in m dun hanggang matapos ang contract

  5. hi, ask ko lang po. kung may free bahay na titirhan dun pag natanggap? at bawi nman kaya sa sahod ung cost of leaving dun? thank you

  6. MAM pwede po mag apply ang may sakit na psoriasis?
    At sa ALS grumaduate ng highschool?

  7. Mam pwde poh b me mag parelies n kc nhihirapan n poh me s sobrang baho ng chemical at maalikabok n company namin mag two months lng poh q salamat poh

  8. Mam ok lng po ba kahit no work experience??
    At mam madali lng po ba mag process ng application or documents??
    Magkano kya ang magagastos pag unang apply pa lng??

    1. HI Gerald! Tinanong ko po ito at sabi nila try nyo daw kumuha ng test uli. Basta daw di active ang scar okay lang nakakalusot daw po.

    2. Parehas tayo ng case brad, I know mine is not active anymore, been working in a smoking environment workplace (casino) for two years, and walang pagbabago sa scar ko since 2014. And yearly ako nagpapamedical, That means na malakas na talaga resistensiya ko. Kaya ngayon nag.aaral ako magkorean thru their videos on youtube, and hoping makapagexam next year at makapasa, at makalusot na rin :). Mahirap talaga ang may mga scar, kailangan natin makipagsapalaran. But God is good, I know di niya tayo pababayaan sa mga pagsubok :).

  9. Hi Miss Betchay, i am currently wotking in Qatar and I travelled to Korean for 4 times within the past 2 yrs, do I have to apply for a visa on my next visit? Thanks po…

  10. Tanong q po may web sites po b kung san makikita ung area na nag tuturo nang korean language? Or web sites n nang tuturo nang korean language.. parang korean online learning?

  11. gusto q pong.mag work sa korea after ng contract q dto sa kuwait kso hindi q.alam.qng saan.aq.mag sisimula.pwede.nio pb q bigyn ng advce qng saan dapt mag simula qng saan lalapit..tnx po

  12. Good day mam nasa saudi po ako plano ko mo sana mag apply pag uwi ko sa october kelan po ulit yung exam nyo mam?

    1. HI! Usually sa March ang exam ~ at January or February ang application.

  13. Hi i am looking for your blog about notarizing documents in korean embassy. Yung pinapasukan ko kc need daw na ipanotarize ko yung documents sa korean embassy. Pwede ba magbigay ng authorization letter para kapatid ko na lang magpanitarize..at need din ba na original copy yung ipa notarize or pwede xerox copy. Yung teaching licence ko daw need na ipanotarize sa korean embassy..pls help me..thanks

  14. Hi!.mam bet maspinipili ba ng employer ung mas batang edad..I am 33 years old n po kc..hoping for your reply thanks! po ma beth..I am Dennis.

  15. Panu po pg merong putol s isang daliri, due to an accident..pro able po at currently working..

  16. Ask ko lang po. Pwede po ba me mag-apply sa EPS kahit doneport me sa korea year 2010? Im tourist that time still valid pa rin yung visa ko yun nga lang kinuwa me ng immigration that time. Tinatakan nila ng 46-(1) yug passport ko. Thanks!

    1. Hi! Dapat walang record ng deportation o order of departure. Kahit makapasa ka sa test, di ka rin mabibigyan ng visa.

  17. pwed pwed ka ba mag re entry sa korea kahit di mo natapos contrata mo basta mag exam ka lang ng eps ?

  18. Hi ma’am! I would like to ask kung anong job opportunities ang pwede sa Korea for business students?

    1. Hindi po kasi open ang Korea sa ibang trabaho. Pero kung specialized po ang skills nyo, maghanap po muna kayo ng employer.

  19. Hello po mam paanoh po kaya mkapag apply ng caregiver sa korea..caregiver po ako by experience…thank you in advance..

  20. Possible ba na makakuha ng professional jobs sa korea (like engineering jobs).

  21. Hi! Po ma’am ung may roon pong hemorrhoids pwd pong makapagtrabaho Korea gusto k p kasing magtrabaho korea.

  22. may scars ako sa lungs nagtry padin ako mag aplay SoKor for fatory worker, madami naman pong nakapagsabi sakin na basta hindi na active,ok naman daw eh

  23. Qualified po ba mag-apply ang hindi 20/20 ang vision pero hindi naman color blind?

Comments are closed.