South Korea, China, THAAD and Lotte

It has been a long time since my last post. We’ve been too busy because of the tax season and the start of the school year. I don’t have Internet Explorer on my laptops and I needed to compute for my two taxes (until January 25th on taxes and on February 10th for office) manually! After the tax season, the start of the school year also meant busy days preparing for my son’s study plan and my students’ as well.
So what has been happening in Korea? One issue that caught my attention last week is the news about China’s economic retaliation for the deployment of THAAD. Let’s talk about it in Filipino ~

Photo from Wikipedia

North Korean missile tests

Taon-taon ay nagsasagawa ng missile tests ang North Korea. Karaniwan nilang ginagawa ito tuwing may “joint exercise” ang militar ng Amerika at South Korea. Noong Lunes (ika-6 ng Marso), apat na missiles ang pinakawalan ng North Korea at tumama lahat sa East Sea. Dahil sa mga missile tests na ito, napagdesisyunan ng pamahalaan ng South Korea na i-deploy ang THAAD para puksain ang mga missile na maaaring dumapo sa bansa.

THAAD

Ang THAAD ay isang anti-ballistic missile system. Layunin nitong sirain ang anumang missile sa ere bago tumama sa target nito. Ang THAAD ay dinesenyo at ginawa ng Lockheed Martin Space Systems na isang malaking kumpanya sa Amerika na gumagawa ng mga satellites, space probes at missile defense system.
Mula 2013 ay iniisip na ng South Korea na bumili ng THAAD system para sa depensa sa missile test. Hindi sang-ayon ang Tsina dito. Para sa kanila, ito ay maaaring gamitin laban sa bansa nila. Noong July 2016 ay napagdesisyunan ng South Korea at Amerika na i-deploy ang THAAD sa bansa dahil sa dumadalas na missile at nuclear test na ginagawa ng North Korea. Nagbanta ang Tsina na babalikan ang South Korea sa pamamagitan ng ekonomiya.
Ang THAAD sa Korea ay ilalagay sa bayan ng Seongju sa Gyeongsangbuk-do. Marami ring residente ang tutol dito dahil paniwala nila ay maaari itong makaapekto sa kalusugan nila dahil sa “radiation”.

Pagbabawal ng Tsina

Nagdesisyun ang Tsina na i-protesta ang pag-deploy ng THAAD sa pamamagitan ng ekonomiya. Noong isang linggo ay pinagbawal ng Tsina ang mga tour groups at cruise ships papunta ng South Korea mula ika-15 ng Marso. Pinasara din nila ang mga tindahan ng Lotte sa bansa nila. Ang Lotte ay nagbigay ng lupa kung saan ilalagay ang THAAD. Ilan pang maaaring gawin ng Tsina ay ang ipagbawal ang Kpop shows at mga produkto na galing ng South Korea. Ang Tsina ang pinakamalaking trading partner ng bansa. Pagdating sa turismo, halos kalahati ng mga bumibisita sa South Korea ay galing Tsina.
Maaaring makaapekto sa ekonomiya ng South Korea ang mga pagbabawal na gagawin ng Tsina at importante na malunasan ito ng bansa lalo at dumating na ang ilang parte ng THAAD at inihahanda na lang ang lugar na paglalaanan nito.