Alamin ang E-7-4 Visa

Noong isang linggo ay in-announce ng Ministry of Justice o MOJ ang tungkol sa E-7-4 visa. Ito ay para sa mga may E-9, E-10 at H-2 visa sa loob ng apat na taon (sa nakaraang sampung taon na pananatili sa bansa).

Layunin ng E-7-4 visa na bigyan ng pagkakataon na manatili ang mga may kakayahan lalo na sa root industry. Mahigit 28,000 na Filipino sa Korea ang may E-9 visa at kailangan nilang umuwi pag paso na ang kontrata o ang visa nila. Pwedeng palitan ang E-9 visa ng E-7, F-2-6 at ngayon ang bagong E-7-4.

Mula Agosto 1 hangang Disyembre 31, magbibigay lang ang MOJ ng 300 na E-7-4 visa. At pag-aaralan nila ang pagiging permanente nito mula sa 2018.

Ang advantage ng E-7-4 visa ay dalawang taon ang visa na ito. Pwedeng palitan sa kalaunan ng mas permanenteng visa gaya ng F-2 at F-5. Sa F-2 at F-5 pwede makapagtrabaho sa nais na trabaho.

Paano makakakuha ng E-7-4?

Ito ay base sa puntos. Kung tutuusin ay mukhang mas madali itong makuha kumpara sa E-7 at F-2-6. Walang age limit at wala ring kinakailangang “sweldo” para makapag-apply. May dalawang paraan ng pag-kuwento ng puntos:

Una, kung makakuha ng 10 puntos sa “Industrial Value”, kailangan lang na magkaroon ng total na 50 puntos.
Kung hindi makakuha ng 10 puntos sa “Industrial Value”, pwede rin na makakuha ng 35 puntos sa required items at makakuha ng total na 70 puntos.

Ang puntos ay makukuwento mula sa “REQUIRED ITEMS” at “OPTIONAL ITEMS” o karagdagan.

Paano kuwentahin ang puntos?

REQUIRED ITEMS (MGA KAILANGAN):

I. Industrial contribution value – 20 points ang pinakamataas

A. Taunang Kita (Suweldo sa nakaraang dalawang taon kasama ang bonus)
26 million and above – 10
30 million and above – 15
33 million and above – 20

B. Sertipikasyon mula sa National Technical Qualifications Act
기사 – 20
산업기사 – 15
기능사 – 10

C. Skill Verification Pass – 10 (Qualification test mula sa ahensya na itinalaga ng MOJ)

Hindi pwedeng dalawa o tatlo ang puntos, kung A or B or C, isa lang dapat at ang pinakamataas lang ang kukunin.

II. Future Contribution Value – 60 points ang maximum

Education: Maximum 20 points – Yung pinakamataas lang na antas

Graduate Studies – 20
Bachelor Degree – 10
High School Graduate – 5

Age: Maximum 20 points
Up to 24 years – 20
Up to 29 years – 10
Up to 34 years – 5
Up to 39 years – 2

Korean Language Proficiency: Maximum 20 points – Yung pinakamataas lang na antas
TOPIK 4, KIIP 4 or higher – 20
TOPIK 3, KIIP 3 – 15
TOPIK 2, KIIP 2 – 10
TOPIK 1, KIIP 1 – 5

Only valid and official scorecards will be accepted for TOPIK or KIIP

OPTIONAL ITEMS: Maximum 100 points

Assets o Pag-aari na nasa Korea: Maximum 35 points

Domestic installment savings
Over 100 million won – 15
Over 60 million won – 10
Over 30 million won – 5

Domestic assets
Over 100 million won – 20
Over 80 million won – 15
Over 50 million won – 10

Para sa domestic installment savings, kailangan na 800,000 sa isang buwan ang ipon at mahigit na dalawang taon ang account. Sa domestic assets naman pwede ang lupa, bahay na pag-aari ng mahigit isang taon. Maaari ring i-konsidera ang “jeonse” o deposito sa bahay.

Domestic (Korea) working experience within the last 10 years: Maximum 15 points

A. Root industry
6 years and over – 15
4 years and over – 10

B. General manufacturing (일반 제조업) and other industries
6 years and over – 10
4 years and over – 5

Piliin lang ang may pinakamataas na puntos. Di pwedeng dalawa.

Related job type, domestic education or training experience: Maximum 10 points

A. Domestic education experience
Graduate studies – 10
Bachelor degree – 8

B. Domestic training experience
One year or more – 5
Over 6 months – 3

Piliin lang ang may pinakamataas na puntos. Ang A ay regular na pumasok sa isang unibersidad sa Korea at nakakuha ng bachelor’s degree o higit pa na may kinalaman sa trabaho. Ang B naman ay nakakuha ng training na may kinalaman sa trabaho mula sa awtorisadong ahensiya, pribado man o pampubliko.

Others: Pinakamataas 40 points

A. Pag-aaral sa Korea (Kahit na hindi konektado sa trabaho)
Masteral or higher – 10
Bachelor and below – 5

B. Government recommendation – 10

C. Career – 10 (Nakapagtrabaho ng mahigit na 2 taon sa mga -eup at -myeon sa probinsiya, maliban sa Gyeonggi)

D. Social contribution (sa Korea sa mahigit na isang taon)
Recognition (award) – 5
Community service – 3

E. Tax Payment
Over 2 million won – 5
Over 1.5 million won – 3
Over 1 million won – 1

REQUIRED ITEMS – 80 PTS
OPTIONAL ITEMS – 100 PTS
TOTAL POSSIBLE – 180 PTS

HALIMBAWA 1:
Yung isang EPS worker na si R ay sumuweldo ng 26 million won sa nakaraang dalawang taon, may puntos na siya na 10 mula sa Industrial Value. Kailangan na lang niya ng 40 points pa mula sa ibang nakalista para makapag-apply.

Nakapagtapos din ng college is R, meron siyang 10 points. Siya ay 32 years old, ito ay 5 points. At meron siyang TOPIK II para sa adisyonal na 10 points.

Sa required items pa lang, 10 + 10 + 5 + 10 = 35 points
Industrial value (annual salary) 10 points
Education 10 points
Age 5 points
TOPIK II 10 points

Sa optional items naman: 15 points
Domestic working experience niya sa general manufacturing sa apat na taon = 5 points
Nagtrabaho siya sa isang probinsiya sa Chungcheongnamdo ng mahigit 2 taon = 10 points

Total score nya ay 60 points. Dahil ang industrial value niya ay 10, ang total lang na kailangan ay 50. Sa makatuwid pwede na siyang makapag-apply para sa E-7-4 visa.

HALIMBAWA 2:
Yung isang EPS worker na si A ay sumweldo ng 20 million won sa nakaraang dalawang taon. Wala siyang makukuhang punto mula sa industrial value. Kailangan niya makakuha ng 35 puntos o higit pa sa Required Item at makakuha ng total na 70 puntos.

Industrial Value – 0
Education – 5 (nakapagtapos ng high school)
Age – 20 (dahil siya ay 24 years old lamang)
TOPIK II – 10

Required Items: 35 pts.

Optional Items: 15 pts
Domestic working experience – 5 (4 years pa lang siya sa general manufacturing)
Career – 10 (dahil sa probinsiya siya nagtatrabaho)

Total: 50 pts, di siya nakapasok sa kailangang 70 puntos na kabuuan bagamat nakuha niya ang 35 pts sa Required items

10 comments

  1. Mam ana park pwede pa po bang mag apply sa immigration ng August 3.mam khit saan pong immigration mag apply?malapit lng po ko sa cheoungju immigration.

  2. Maam bakit po sa unang halimbawa ay 50 pts. Yung passing at 70 pts. naman po sa pangalawang halimbawa?

    1. Yung importante po sa unang halimbawa yung “Industrial contribution value” dapat makakuha ng 10 points para 50 points lang ang total. Sa pangalawang halimbawa, hindi nakakuha ng 10 points sa “industrial contribution value” kaya kailangan 70 points ang total at 35 points doon ay yung sa Required Items.

      1. Thank you po maam. May tanong pa po ako maam.

        Sa Idustrial contribution value.
        May pinahayag po ba sila kung paano yung computation? Or kailangan lang e-add lahat-lahat ng sinahod mo ng 2 years?

        At ito po yung address namin
        Jellanam-do yeongam-gun samho-eup yongang-ro. Makakakuha po ba ako ng 10 pts. sa career? Sa probinsya(samho-eup) po kasi kami.

        Sa shipyard din po ako nagtatrabaho pero assistant lang po ako ng mga welder at grinder. Minsan lang po ako mag welding. Lampas 20 yung koreanong trabahador.
        At rudder po ng barko yung ginagawa namin. Root industry po ba yung company namin? At posible po ba na makakuha ako ng points sa root industry kahit hindi ako fulltime welder?

        Thank you po ulit 🙂

      2. Maam industrial po ako cnc 10yrs napo ako sa korea pwede papoba ako mag apply ng 7-4 salamat po ta isasagot nyo

  3. Hi good day po! Ask ko Lang po san po pwde tumawag para maka inquire at malaman po kung pwde po ako mag apply? Thanks po Ma’am . God bless!!!

Leave a Reply