korean hostages in afghanistan

Pinakamalaking issue sa Korea ngayon. Dalawampu’t tatlong Kristiyanong Koreano ang kinidnap ng mga terorista sa Aghanistan noong isang linggo. At isa sa kanila, ang pastor at isa sa dalawang lalaki ay pinatay na ng mga terorista. Sabi ng iba, nagpunta sila bilang mga “aid workers” at sabi naman ng iba sila ay nagpunta sa delikadong bansa ng Afghanistan bilang mga misyonaryo.

Korean volunteers in Afghanistan
Nakakaawa kung tutuusin pero sa isang banda, nagpunta sila roon na alam kung gaano kadelikado ang sitwasyon sa bansang iyon. Ang ilan ay nagpakuha pa ng litrato sa tabi ng isang billboard kung saan binabawal ang pagpunta sa Afghanistan pero nagpunta pa rin sila.
korean hostages in afghanistan
Nakakabilib na gusto nilang matulungan ang mga Afghan, kung yun man ang layunin nila. Matagal-tagal na rin akong nakatira dito sa Korea at marami-rami na rin akong karanasan sa mga Kristiyanong Koreano. Madalas ay pahihintuin ka sa ginagawa mo at tatanungin ka kung saan ka nakatira, hihingin ang iyong pangalan, telepono at tatanungin ka kung kailan ka pwedeng puntahan. Noong una kong naranasan ito, dalawang matandang babae ang lumapit sa akin mga tatlong taon na ang nakakaraan at sa malas ay sa harap ng pinto ng bahay ko sila nakita. Simula noon ay nagpupunta na sila sa bahay tuwing Miyerkules ng hapon, kumakatok at nagsisingit ng mga babasahin sa pinto. Tatlong taon na ang nakakaraan pero nagpupunta pa rin sila kahit hindi ko pagbuksan ng pinto.
Noong isang buwan naman, nilapitan ako ng dalawang dalaga sa isang department store habang ako ay kumakain ng yogurt kasama ng aking anak. Marunong sila mag-Ingles at tinanong ako kung maaari ko raw silang tulungan sa kanilang assignment. Akala ko naman ay tungkol sa lengguwahe ang itatanong, yun pala ay sesermunan ako tungkol sa Bibliya na kesyo hindi tamang “babae” ang sinasamba ng mga Katoliko. Yun pala, ang relihiyon nila ay sumasamba sa isang babaeng Koryana at gusto pa nila akong i-recruit. As usual, tinanong ang aking tirahan at telepono at hindi ko na matandaan kung pang-ilang beses na akong nagsinungaling sa pagbibigay ng maling numero. Sinu-sino kaya ang natatawagan nila?

evangelizing in Afghanistan?
Balik sa isyu ng mga na-kidnap na Koreano sa Afghanistan, sana naman ay isalba ng mga terorista ang buhay nila at palayain na. Pero sana ay maging leksyon sa kanila ang nakakagimbal na karanasan na ‘to. Sana ay matutunan nilang irespeto ang relihiyon ng ibang tao. Sa isang video sa Youtube na napanood ko, pinapakita na tinuturuan nila ang mga kabataang muslim ng kristiyanismo. Ito ay labag sa nakaugalian sa bansang pinuntahan nila. Pero hindi nila naisip ang mga batang tinuturuan nila. Sana naman ay walang masamang mangyari sa mga batang ‘yon.
Sa huli, wala naman akong masabi sa dedikasyon ng mga Kristiyano na nakilala ko kahit sandali. Katoliko ako at wala akong balak magpalit ng relihiyon anuman ang sabihin ng iba. Pinag-aral ako sa mga Katolikong eskuwelahan mula elementarya hanggang magtapos ako ng kolehiyo. Sana sa susunod na makatagpo ako ng mga Kristiyano rito, hayaan na lang nila ako pag sinabi kong Katoliko ako.
Pahabol: sana naman wag ma-ban sa Korea ang mga websites tungkol sa isyung ito. Gaya na lang ng pagba-ban ng gobyerno ng Korea sa blogger at iba pang websites noong mapugutan ng ulo ang isang Koreanong misyonaryo sa Iraq.

  1. hello betchay,
    you know, i feel for these people. gusto lang nila makatulong, tapos yung expereince na naghihintay sa kanila in the end is really devastating to hear. you’re right, bawal na bawal sa Afghanistan na magturo about Christianism. They are all but devoted and dedicated workers.
    alam mo madami din dito sa pilipinas na ganyan, like what you experience there. yung kakatok sa bahay mo at mag-iiwan ng kung anong babasahin about their religion. dito naman, kadalasan yung mga Mormons at Jehovah’s Witnesses ang gumagawa nun. makukulit din, lagi kong sinasabi na hindi ako interesado at kuntento ako sa pinaniniwalaan ko. As much as i want to say it in a nice way not to offend them, mahirap kasi nga makukulit eh.
    anyways, let’s just hope and pray na makalaya din ang iba pang hostages na naiwan dun.

Leave a Reply