Pambabatikos kay Jasmine Lee

Noong isang linggo ko pa nakitang kumakalat sa internet ang tungkol sa “Jasmine Lee’s XX Bill”. Nagtaka ako kung bakit nili-like ng mga kakilala ko sa Facebook ang pahinang nakasulat sa wikang Koryano. Nang binuksan ko ay nagulat at nasaktan ako sa nilalaman at sa mga komento ng mga tao sa ilalim ng pahina. Mukhang may hinanakit sila sa mga migrante ~ nakasulat sa pahinang yaon ang tungkol DAW sa batas na nilabas ni Jasmine Lee na nagbibigay benepisyo sa mga batang hindi nakarehistro sa Korea ~ mga undocumented children. Hinihikayat ng pahina na tutulan ang batas na pinanukala DAW ni Jasmine Lee. Marami ang nagmura at nagalit kay Jasmine Lee, makatarungan ba?
Noong Lunes ng gabi, nagalak ako sa napanood ko sa “Fact Check” na isang seksyon sa balita sa JTBC. Ang alas-nueveng balita ng JTBC ay pinanonood ng marami at isa sa mga pinakaginagalang sa media ang tagapagbalita na si Son Seok Hee. Ang isyu nila noong Lunes ng gabi ay may pamagat na “이자스민 법안? ‘한국판 이민법’ 이상한 논란” o sa Ingles “Jasmine Lee’s bill on Korean immigration, a strange issue”.

Noong Lunes nakatanggap na naman ng papuri bilang mambabatas si Jasmine Lee.
Noong Lunes nakatanggap na naman ng papuri bilang mambabatas si Jasmine Lee.

Sa programang yun ay tinalakay kung bakit medyo “strange” ang isyu.
Hindi pangkaraniwan na ang pahina ng Kongreso ay nakakatanggap ng mga komento. Subalit noong isang linggo ay inabot ng mahigit 8,000 komento at marami rito ay nagpapahayag ng pagtutol sa batas at pambabatikos kay Jasmine Lee. Marami ang nagsasabi na isang 미친 o “sira” ang batas na inihain.
Inisa-isa ng programa ang laman ng batas na sinulat DAW ni Jasmine Lee at ang laman ng pahina tungkol sa “XX Bill”.
Nakasaad sa panukalang batas ang karapatan sa edukasyon at pagpapagamot ng mga batang walang papeles na nakatira sa Korea. Sa puntong yun pareho ang sinasaad ng aktwal na panukala at ng pahinang kumalat sa internet.
Pero ang mga kinatatakutan na gaya ng pananatili ng habambuhay ay hindi nakasaad. Maraming tao ang natatakot na ang mga magulang mula sa mahihirap na bansa ay mag-aanak na lang basta sa Korea para masiguro ang pananatili nila sa bansa.
Dahil dito, maraming bumatikos kay Jasmine Lee. At ito ay isang “strange issue”. Bakit “strange”? Dahil HINDI SINULAT NI JASMINE LEE ang panukalang batas na ‘to. Sa mga pangalang nakalista bilang mga mambabatas sumulat ng batas na ito ~ HINDI KASALI ANG PANGALAN NI JASMINE LEE. Ngunit siya ang sinisisi at binabatikos. Ang sumulat ng batas ay si Jung Cheong Rae (정청래).
Noong Marso ay nasabi ni Jasmine Lee na susulat siya ng batas para sa mga batang hindi nakarehistro sa bansa. At marahil ito ang dahilan na akala ng marami na siya ang may pakana sa batas na ito. Pero higit pa diyan, lumabas ang ugaling “xenophobic” ng mga nagkomento. Masyadong personal na ang pag-atake at marahil kung hindi isang matatag na tao si Jasmine Lee ay marahil sumuko na siya.
Ang kontrobersyal na bill at pangalan ng mga umakda nito.
Ang kontrobersyal na bill at pangalan ng mga umakda nito.

Ang batas ni Jasmine Lee ay hindi pa napapanukala at inaayos pa bago ihain sa Kongreso. Hindi lang si Jasmine Lee ang sumusulat nito dahil kasama niya ang mga organisasyon (at marami dito ay Korean) na tumutulong sa migranteng kabataan. Tandaan na ang Korea ay isa sa mga nakapirma sa tratado ng UN ukol sa karapatan ng mga bata. Marahil mas matitinding pambabatikos ang aanihin niya sa oras na ihain niya ito sa kongreso.
Ang tanong, gagawa ba si Jasmine Lee ng batas na makakasama sa bansa? Sa palagay ko ay hindi. Siya ay Koreana sa papel, ang mga anak niya ay mga Koreano at hangang ngayon ay nakatira siya sa iisang bubong kasama ang pamilya ng asawa niya. Mas matagal siyang nanirahan sa Korea kesa sa Pilipinas. Ang buhay niya ay narito bagama’t siya ay isang migrante.
Para sa akin, makatarungan na nasa kongreso si Jasmine Lee bilang kinatawan ng mga migrante. Hindi naman siya basta basta na migrante lang dahil kagaya ng nabanggit ko ~ ang mga anak niya ay Koreano at ang pamilya ng asawa niya ay Koreano rin. Ang buhay niya ay narito. Nakakalungkot lang isipin na hindi pa rin siya tanggap sa bansang ‘to. (Kung hindi siya tanggap, paano na lang ang mga karaniwang migrante na gaya natin?)
Nakakapanlumo na makabasa na kapwa mga Pilipino ang mismong bumabatikos kay Jasmine Lee sa internet. Marami rin marahil ang mga “wishing” na sana sila ang kumakatawan sa migrante at hindi siya. Kung ngayon pa lang ay ang mga migrante mismo ang bumabatikos sa kapwa migrante, ano ang karapatan natin na magkaroon ng kinatawan sa bansang ito?
Sana naman, bago tayo mag-like, mag-share o mag-komento (at makipag-away sa kapwa natin Pinoy) sa SNS na kagaya ng Facebook ay alamin muna kung ano ang totoo. Hindi naman tayo mga tupa na basta na lang sunod ng sunod. Esep-esep din pag may time 😀
NARARAPAT BA NA MAGLINGKOD SA KONGRESO SI JASMINE LEE?
Si Jasmine Lee ay isa sa pinaka-aktibong mambabatas sa Kongreso ng Korea. Isang patunay ay nagkaroon na siya ng “award” bilang mambabatas sa unang taon pa lang niya ng panunungkulan. At patuloy pa siyang umaani ng papuri ~
Bagamat napakasipag magtrabaho ni Jasmine Lee, ang mga may ayaw sa kanya ay pilit na binabalikan ang mga lumang isyu. Move on na ~

20 comments

  1. “Freedom of speech” masyado nilang pinanghahawakan ang salitang yan kaya kung makakumento ang kapwa filipino sa kapwa nya ay ganun na lang. Hindi muna kasi intindihin maigi kung ano nilalaman ng issue na pinag~uusapan. Nabasa o narinig lang na ganun ‘bad comment ‘ na agad ang reaksyon. Hello,filipino ka mag~intindihan tayo at magtulungan… Fighting Rep. Jasmine Lee!

    1. Tama po kau janneth…dami ko rin nabasa sa isang page na mga kapwa pinay na parang mga nagpapalitan sila ng mga komento.(bad comment)…..hay nakakalungkot isipin na bakit ganyan ang mga ugali ng ibang mga kababayan natin. Ang iba nagmamagaling parang akala nila alam nila lahat….ang iba makapag share at comment lang d muna magbasa.. 😕😕

  2. Oh well aminin natin marami sa filipino ang mga inggitero, pintasero,hambog at marami pang iba..nakakalungkot no? Pero yan ang totoo… sana bago natin ibuka bibig natin isipin muna natin kung makatwiran b sasabihin natin… kung tama naman..kelangan pb natin un sabihin? Kc kung makakasakit tayo ng iba mas maganda kung sarilinin mo nalang opinion mo… dapat nga tayong mga filipino n nasa abroad ang syang mgtulungan kung may maitutulong dhil iisa lahi ntin… iisa pinagmulan… dapat maging masaya tayo para s tagumpay ng iba..after all filipino rin tayo kaya tagumpay nrin natin yon kasama na tayo dun..

  3. Salamat sa pagsusulat ng tungkol dito, Ms. Betchay. Talagang hinintay ko blog mo tungkol sa isyung to. Kahit ang asawa ko sabi e hindi makatarungan ang nasabing bill pero hindi ako makapag react kasi hindi ko pa maintindihan ang mga nakasulat in korean. Sabi niya ay lalong mapapasama sa mata ng mga koreans ang mga Pilipino dahil dito. Yung mga illegal migrants daw kasi ay hindi nagbabayad ng buwis pero makikinabang sa buwis ng mga koreans at mga legal migrants. Hindi rin ako sang-ayun dun. Ang sa akin lang ay dapat alamin muna kung sino ang dapat tahulan ng mga nambabatikos.

  4. bakit ganun lahat ang pagkaintindi…eh pinapabasura ni jasmine lee ang bill na ito hindi sya sang ayon sa batas na ito..members of the congress from the tonghapdang ang nagpasa ng bill na nagsasaad na mga anak ng tnt na and2 na sa korea ay pwedeng bigyan ng benepisyo pero kailangan umuwi na sila after two years from the time na sumuko sa immigration…wonder ko lang kasi representative ng foreign nationals si jasmine lee eh tnt man yan o hindi sana support pa rin sya

    1. Meron pong inaayos na bill si Jasmine Lee para sa mga “undocumented children” hintayin na lang po natin.

  5. simple lng nmn un eh….sno ba un pnglalaban nya un legal o un illegal…..kc tyo nmng pinoy lumagay s dapat klagyan kc mali na tyo pinipilit p ring maging tama dun tayo npapahamak…lumgay ka s tamang katayuan wala kng pproblemahin…un po un…kc ang PANGINOON gyun din d nya kinukunsinti un maling gawa….agree?????

    1. Hindi naman basta basta TNT ang usapin na ‘to. Hintayin na lang natin ang bill ni Jasmine Lee tungkol sa mga batang hindi nakarehistro.

  6. pasalamat nalang tayo dahil sa lahat ng bansa d2 lang sa korea maluwag ang mga artista.(tnt) dahil sila ay makatao. kaya wag nalang natin abusuhin ang mga pag kakataong ito para naman mas dadami pa ang makakapasok upang mag trabaho kahit sila ay illegal, dahil ito ang nag papaangat ng economy ng korea..ang mga pinoy workers.sana ang mga may asawang koreano lalo na ang merong mga anak ay mabigyan agad ng ciitizenship na walang requirements.at sa laht ng bansa d2 ang maliit ang tax.kaya wag masyadong mabahala sa issue.

  7. I’m just amazed and proud knowing that there is one Filipino working in a Korean Governement. We just need to accept the fact that we can’t get rid of these criticisms. Anyways, eventually, thruth reveals.

  8. bkit hindi cla maging masaya sa kapwa nila pilipino cla pa mismo bumabatikos hindi ba sila natutuwa at binibigyan tyo ms.jasmin lee ng boses dto sa bansang korea malamang maganda ang hangarin nya.nakakalungkot m kapwa p talaga natin ang ayaw pumabor.hay..ang lupet nila

  9. Ang masasabi ko lang kung bakit negative ang response ng mga tao. Ay dahil o baka HINDI NILA NAINTINDIHAN ANG LINGWAHENG KOREANO. KUNTI LANG ANG ALAM TAPOS MALI PA PAGKAINTINDI. little knowledge is very dangerous ika nga ng tatay ko. Mahirap kasi ang hangeul kaya di madaling maintindihan. Kaya aral aral muna bago magkomento ng kung ano2.

  10. why? hindi masama bill na ihahain ni congress women lee kung ihhain man yun yun na siguro pinaka mainiman na nagawa nya sa migrante and i proud it atleast may pusong pinoy pa rin sya so KEEP UP JASMINE LEE GAWIN MO YUN NARARAPAT…

  11. Ms. Betchay, natatandaan ko po dati na may blog post kayo tungkol sa bill na ginagawa ni rep. Jasmine para sa mga anak ng illegal immigrants. Hindi po ba ito yung bill na pinasa nya dati? Ang buong akala ko po ay isa sya sa sumulat at nagpasa ng bill na yan, nagulat na lang po ako ng malaman ko sa balita na hindi pala sya kasama sa author ng bill na yan. Magkaiba po yang bill ni rep. Lee sa bill tinutukoy sa balita?

    1. Iba pa yung ginagawa ni Jasmine Lee. Yung lumabas last November ay revision lang ng existing bill. Yung kay Jasmine Lee ay totally bagong bill na sinulat niya along with Korean NGOs. Hintayin na lang natin na mailabas niya ‘to anytime this month or probably next month.

  12. My god….illegal immigrants are ILLEGALLY residing. Korean citizens have no legal obligation taking care of illegal immigrants no matter what age they are. Just because Jasmine Lee is Filipina, it doesn’t mean illegal Filipino immigrants are excused

    1. The state has the right to deport illegal immigrants ~ but children didn’t choose the situation they are in and they can’t defend themselves. Still it is not right for humans to deny anybody health care just because they’re illegal.

Leave a Reply