EPS Korea: Paano mag-apply na factory worker

How to apply for EPS Korea

I uploaded a post last year on working in Korea through the EPS program. I still get a lot of emails (four yesterday) asking how they could work in Korea’s factories. Here’s the process, in Tagalog 😀

Ang website ng EPS
Ang website ng EPS

Ang Proseso

Paano makakapagtrabaho sa Korea bilang isang factory worker?
Sa pamamagitan lamang ng EPS o Employment Permit System. Ang visa nito ay E-9.
Anu-anong mga bansa ang nakakapagpadala ng mga manggagawa sa EPS Korea?
15 na mga bansa kasama ang: Indonesia, Vietnam, Thailand, Philippines, Sri Lanka, Mongolia, Uzbekistan, Pakistan, China, Cambodia, Bangladesh, Nepal, Myanmar, Kyrgyzstan, Timor-Leste
Sa factory lang ba pwede magtrabaho?
Pwede rin sa paggawa (manufacturing), pagtatayo (construction), serbisyo (service), pangingisda (fishing), pagtatanim (agriculture) at stock-breeding o pag-aalaga ng mga hayop. PERO SA MANUFACTURING LANG ANG KASUNDUAN PARA SA MGA PILIPINO.
Kung gusto kong magtrabaho sa Korea sa pamamagitan ng EPS, ano ang una kong gagawin?

May kwalipikasyon kung gustong magtrabaho sa Korea:
– may edad mula 18 hangang 38
– walang rekord ng pagkakakulong
– hindi pa na-deport mula sa South Korea
– pinapayagan ng pamahalaan ng Pilipinas na lumabas ng bansa
– maayos ang pangangatawan at walang sakit
– nakapagtapos ng high school
– nakapagtrabaho ng kahit isang taon
Pasok ako sa kwalipikasyon, ano ang susunod na gagawin?
Mag-aral ng lengwaheng Koreano. At pagkatapos ay kumuha ng EPS-TOPIK test mula sa POEA. Bisitahin ang website ng POEA para sa anunsyo kung kailan isasagawa ang EPS-TOPIK.

LEARN KOREAN LANGUAGE IN FILIPINO

Ang makakapasa lang sa EPS-TOPIK ang magkakaroon ng pagkakataon na mailista sa maaaring pagpilian ng mga kumpanya para magtrabaho sa Korea.
Eto ang anunsyo para sa EPS-TOPIK sa Abril para sa mga sumagot sa survey noong nakaraang buwan.
Bisitahin ang website ng POEA para sa mga anunsyo.
Nakapasa ako sa EPS-TOPIK.
Pumunta sa POEA at kunin ang mga kakailanganin pang dokumento gaya ng “medical certificate”. Ipasa sa POEA ang mga dokumento at MAGHINTAY.
Ang POEA ang magbibigay sa HRD Korea ng listahan ng mga nakapasa sa EPS-TOPIK na maaaring magtrabaho sa Korea.
Pag napili ang iyong pangalan, makikita ito sa website uli ng POEA ~ EPS-TOPIK.
Magkano ang gastos sa pag-apply ng papuntang Korea?
Ayon sa POEA, eto ang gagastusin kasama na ang pamasahe at pocket money.

Cost to job seekers - EPS Korea
Cost to job seekers – EPS Korea

Mga Katanungan

Babae ako, pwede ba akong mag-apply?
Oo, kumukuha rin sila ng mga babaeng empleyado PERO mas maliit ang porsyento ng mga babaeng trabahador na kinukuha nila.
Kung nakapasa ako sa EPS-TOPIK, sigurado na ba na makakapagtrabaho ako sa Korea?
Hindi po. Kailangan lang natin subukan. Ang kumpanya sa Korea ang mamimili ng trabahador na kukunin nila mula sa listahan ng POEA.
Mga magkano ang sweldo sa Korea?
Ang pinakamababang sweldo na pwedeng sahurin sa isang oras ay 5,580 won (223 pesos sa kasalukuyan). Kung nagtatrabaho ng walong oras sa isang araw, at limang araw sa isang linggo sa loob ng isang buwan, ito ay 1,166,220 won (46,798 pesos sa kasalukuyan). Karaniwan na nagtatrabaho ng anim na araw ang mga EPS kaya mahigit pa riyan ang maaaring suwelduhin.
May kapitbahay ako na nakatira sa Korea at bibigyan daw niya ako ng trabaho magbigay lang daw ako ng 20,000 pesos. Totoo kaya yun?
POEA lang ang legal na paraan para makapagtrabaho bilang EPS Korea.
Pwede ko bang isama ang pamilya ko habang nagtatrabaho ako sa EPS?
Sa ngayon, hindi kasali ang E-9 visa sa mga pinapayagan na isama ang pamilya sa Korea. May mga sinuswerte na ini-sponsor ng kumpanya nila na maging E-7 ang visa (yung mga propesyonal). Kung E-7 ang visa, pwede nang isama ang pamilya (F-3 visa) pero hindi pinapayagan ng gobyerno na magtrabaho ang may F-3 visa.
Pwede bang kumuha ng tourist visa ang aking asawa para bisitahin ako habang nagtatrabaho na may E-9 visa?
Maaring kumuha ng tourist visa ang may asawa ng E-9 visa pero hindi ipinapayo na sabihin na E-9 ang visa ng asawa.
Ilang taon ako pwedeng magtrabaho sa Korea sa E-9 visa?
Tatlong taon. Pero maaari itong i-renew.
Ano ang mangyayari kung hindi ako umuwi pag paso ng visa ko?
Una, bilang ilegal ay mawawala ang proteksyon na maaaring makuha kung legal na nagtatrabaho. Pangalawa, may pangamba na maaaring mahuli at mapauwi sa Pilipinas. Pag TNT, hindi na uli makakabalik sa Korea bilang trabahador. Maaapektuhan din ang “quota” ng mga trabahador na kukuhanin ng South Korea mula sa Pilipinas.
Saan pa maaaring kumuha ng impormasyon tungkol sa EPS?

Bisitahin ang EPS website na ginawa ng gobyerno.

Kung meron pang mga KATANUNGAN O KOREKSYON, pwedeng mag-iwan ng komento.

403 comments

    1. hello po mam bechay. tanong lng po kng kilan ulit yong topik exam, nag aaral na po ako ng korean language pro hindi pa po ako nkakuha ng exam. tonce a year lng po ba yong topik? tnx and godbless.

        1. Mam bechay ask ko lang po interesado kasi talaga ako magwork sa korea. San po ba magandang review center to learn the korean language para makapag ready for eps-topik?

        2. HI PO MAM,,ask ku lng po kung maybranch po kyo dto sa silang cavite,for tutorial of korean language.,.,??/plsss.,.reply,.

        3. Gud pm mam, i’l be 39 sa feb nxt yr, kung magreregister po ako sa jan, tapos sa march ang TOPIK test, pasok paba ako sa age requirement? Sana po pakisagot ang tanong ko….Many thanks…..

      1. Hi Mam Betchy.
        My Husband wanted to work to Korea are they allowing workers with tattoos?
        Thank you!

  1. sir/mam ask qlng po qng pnu po aq mkakuha ng working visa..dto sa korea.. tourist lng po kc visa q.. nais q po sna mgtrabaho. anu po b? dpat qng gawain… tgal n din nman po aq nag work sa philippines sa Electronics company.. sana po matulungan nyo po aq slamat po

    1. Hi! Kailangan mong umuwi ng Pilipinas para makakuha ng working visa ~at depende ang proseso sa kung ano ang trabaho sa Korea. Kung sa factory (manufacturing) kailangan dumaan sa proseso ng EPS. Mag-aral ng Korean, ipasa ang TOPIK at hintaying na mapili ng employer bago makapunta uli ng Korea.

          1. Hello mam betchay…ako po ay over stay sa korea..pero nagsurrender po ako pauwi ng pinas…makakabalik pa po ba ako sa kore?ilang taon po?at pwd po pa ako mag apply bilang eps.na po?kc po 29 palang po ako..

          2. Meron po sa October pero tapos na po noong July ang registration. May isa pa po sa November.

          3. Hi ate anu po b mga kailangan nlang mga papers kz may balak sana aq.dto po aq malaysia ngaun 5year na aq nagtratrabaho dto sa campony ng electronic .pwede ba patulong sa inyo.t.y..

          4. Hi Jofel! Pakibasa po from the start. Kailangan ninyo po ng Korean language test. Iyun po talaga pinakuna ~

          5. Hi mam Ako Po gusto ko mag apply ng Korea, pro ns Kuwait p Po Ako now pro this month npo tapos contact k at uwi n Ako pinas…..

          6. HI Emilyn! Mag-aral ng Korean tapos pag may announcement na ng test (bandang March or April) kumuha ng test at ipasa. Tapos maghintay mapili.

          7. mam need po daw ba na mg apply online seems appointment skidule po.if yes, saan mo makikita ang application form online? hopinh for your immediate reply.😊

          8. 안녕하세요 meron pa kya exam sa october?

          9. Magandang araw maam..kelan ulit ang registration maam..
            Maam pwd nyo po ako bigyan ng name ng school center?n kung saan pwede akong mag aral ng Korean language at mag review..salamat

          10. Hi Ma’am. Ask ko po if kailan ulit magbibigay ng exam this year? Thank you.

  2. hello po,,good day.Kasalukuyang po na andito ako ngaun sa thailand.gusto ko sana po magtrabaho sa korea,,ano dapat kung gawin,san po dapat ako magsimula,san po ba pwede mag aply,,kahit factory worker

    1. Hi! Simulan ninyo po sa pag-aaral ng Korean. Pag napasa ninyo ang TOPIK ay ilalagay ang pangalan ninyo sa listahan ng mga aplikante at pag napili kayo ng employer pwede nang pumunta ng Korea.

  3. Mam dito poh aku sa Malta Europe pnu poh kaya aku mkkpg apply sa Korea bilang factory workers Peru wala poh aku experience kc cleaners poh aku dito..mam gnu poh ktgl bgu mkaalis if mka pasa sa exam free accommodation poh bha pg npili ng company slmt poh interesado poh aku

    1. Hi Jeffrey! Sorry at inabot ng halos isang buwan bago ako nakasagot. Wala namang mawawala kung susubukan mo. Umpisahan sa pag-aaral ng Korean at pagkuha ng TOPIK or Korean test. Pag nakapasa, may pag-asa na mapili at kung papalarin ay makakarating ng Korea. Mura lang ang accomodation pero maganda ang sweldo kumpara sa ibang bansa.

  4. Ma’am/sir
    I want to work in korea as a factory worker po..what is the first step to do po..? Im here now in KSA,but ill be going home afterr 5 months. .

  5. Once na natanggap kn.. Pinasa muna lhat ng exam.. Ilng buwan ang aantayin bago mkalabas ng bansa?

  6. Sana matulungan niyo po akong bumalik soon.
    Galing na po ako doon noong 2002, legal po.
    Nag attempt po akong mag apply kayo malaki
    Singil nila…

    1. Hi Juliet! Noong 2002 wala pang EPS. Iba na po ang patakaran ngayon, kailangan nang mag-aral ng Korean at ipasa ang Korean language test bago mailagay ang pangalan sa listahan ng mga aplikante.

  7. Hello po Ms. Betchay. May required height po ba ang factory workers sa Korea? 4’11’ lang po kasi ako at wla po akong maraming experience sa manufacturing dahil online tutor po ako for 5 years na. May tsansa po kaya akong makapagtrabaho sa Korea?Salamat po.

  8. Hi Ma’am interested po akon mag work bilang factory worker sa korea, kat kailan po ulit mam ang next eps?

  9. Paanu pong dapat walang rekord ng pagkakatulong? DH po aq dto sa KSA, pero pagkatapos kontrata q gusto q pong magkorea. Bakit nman d pwede eh yung mga kakilala qng ex DH eh nakapunta po ng korea via EPS TOPIK.

  10. Hi mam.. wala po akong working experience . Pwede po ba aq mag apply s korea. 33 yrs old po aq. 5’7 height q

  11. Thank You so much Ma’am Betchay! Your Blog is very Informative and Helpful for like us who’s aspiring to work Abroad. Kudos to everyone! 🙂

  12. Hi Mam Betchay. Kailan po ang next registration for EPS at saan ko po pwedeng i-monitor ang schedule ng mga exams?
    Thanks po pala sa napaka-helpful nyong blog! Kudos po sa inyo!!

    1. good evening ms. betchay tanong ko lang po sana kung kelan ulit yung exact date ng kuhanan ng permit para sa exam sa korea dipo kasi ako nakaabot nung aug. ihh gusto kopo sana kumuha ng exam.thank you po.

  13. hi ma’am good day, ma’am tanong q lang kng pwd ba makuha ng exsam sa poea? kasi d q natapos ung training namin sa korean school? kasi sabi nila d daw makuha ng exsam sa poea kng d nakatapos at d nakabayad?

  14. Hi mam betchay can i ask may ung eps exam this yr po?Newbie po kc ok lang po ba self study?may exp po ko as factory worker

    1. HI Icel! Last na ang sa November pero close na for registration. Next year na uli. Wala po pong sked. Post ko po sked pag lumabas na. Pwede po mag-self study. Subukan ko po mag-upload kung paano mag-self study.

        1. Yes, kahit saan pwede at pwede rin self study. Next year pa ang susunod na test so maraming time na mag-aral.

  15. hi!!maam betchay…gud day po…my training group po na ng alok smin pra sa eps-topik..and it cost 7000php..2wiks dw po ung training…legal po ba un??at ok ba na igrab nmin…1st timer po ksi aq mg apply…at korea best na na suggest xkn..hope po mtulungan nyo aq sa question q…tnx po!!!!and im grateful to wait for ur answer…God bless po:-)

  16. Hi miss. Let say that I already pass the exam and pass all the documents needed last year March, but until the current year, they haven’t picked you yet… Is my application already expires that time or do I have to send my application again??? I hope that you will answer my question… thanks

  17. hello po..teffany po from philippines 27 yearold..kilan po ba pwede magabayd para makakuha ng slot for the EPS exam before this year eand?

  18. Hi mam ..pwd poh b x abroad saudi poh aq ngaun planu q next aply q jan korea kea mgaaral poh b muna language
    Korea

  19. Hi mam ..ah may tanung poh aq panu poh pla kpg my employer na poh aq sa korea at gsto aq kunin..pamu
    poh ba ang process nun..para makuha nla aq….t.y

  20. hi! i want to work in Korea but not in factory. Is there possibility to work aside from factory.. Please advice and be grateful if you could help me on this … Thank you!

  21. Hi! Sàan po ako pwede mag aral ng Korean language and mauuna po ba ang pag aaral ng Korean language bago mag eps topik test sa poea??

  22. Hi mam baka pwedi nii aki matulungan .dito po ako sa arayat pampnga diko po kasi alan kung ano una gagawin kung pupunta muna ng poea tapos magaaral ng korean language..

  23. Hi miss betchay,,bago skin mga requirements n mga nbsa ko s mga tanung dito s page…miss betchay gsto ko din kc mg korea…so ang una po ay mag aaral ng korean language,,next kukuha ng test sa poea???and if nkapasa po sa test n yun,,waiting pa din po ba ako hanngang mgkron ng job opening papntang korea?salamat po..wait ko reply m miss betchay..salamat godbless

    1. Hi Aries! Pag nakapasa sa test, waiting hangang mapili ng employer. Continuous ang hiring sa Korea at di na kailangan dumaan sa agency. Pero kailangan ng sipag pag dating dito. Di pwede maarte. Minsan may naririnig ako nagku-quit kasi wala silang kama or dahil sa sahig natutulog. Okay naman ang karaniwang pasahod ~ halos walang gastos yung iba. Makakaipon basta masipag lang at masinop.

  24. Gud am..mam ask me lng Kong pwede ang my operasyon.wla n kc me galblader pero 4 yrs.na kc gusto q mag apply as a factory worker.gusto q lng ma sure.tnx mam and I wait ur advice.

  25. Hello Ma’am. Ask ko lang po if pwede akong maglagay ng desired positon? Kasi po gusto kong magwork sa factory ng electronics o computer. pangarap ko po kasing work yung computer assembler or any electronic machines. 🙂

  26. Hi po.ask ko lang po if pwede po bqng mag apply kahit may injured aq sa daliri. Nabawasan po ng kanti. Bandang daliri. Pero i still work in factory at pag nagpapa medical aq fit to work naman po.tnx

  27. Maam, Si Mr. Ronald P. Ulayao isang INC ay nanghingi ng mga dokumento tulad ng original passport, certificates etc.pinagbayad din kami ng medical nmin na 5thousand pesos.ito po ay nuong nakaraang taon pa (2015) hanggang sa kasalukuyan nangangako silang mapapalipad kami papuntang korea bilang factory worker.kunektado daw sila sa ATD agency na siyang magprocess ng visa nmin.hindi n rin kailangan pa magaral ng korean language.Legal nman ang agency ang tanong ko po may kakayahan ba silang mapalipad kami at mabigyan ngbtrabahong legal sa korea?thank you

  28. Hi guys pm ma’am..ask q lng po qng my online registration for eps-topik at the same time online exam? I’m still here in Taiwan as factory worker.. Tnx for fast response!!! God blessed & more power

  29. pano po ang gagawin kung nagtry aq magregister sa e-registration ng poea,pero not activated po ang status ko,bka kasi masyang pag eenrol ko sa Eps kung d nman aq activated?

  30. Hi maam ask kolang po kung sa exam 4 korean language kasama rin ang pag susulat ng korean characters??? Tnx/rose

  31. Hello ma’am betchay,it should be also know how write?
    How much the probable expenses for applying and how long to wait if possible I pass the exam?
    Thank you very much.

  32. m’betchay..saan po ba pwedeng mag-aral ng korean language at magkano po ba ang tuition..at ilang buwan kaya tatagal ang pag-aaral???salamat po..

    1. Hi Joven! Di ako sure eh pero subukan ko mag-upload ng tutorials next month. Kasi kailangan ko rin mag-review.

  33. Hi maam, may concern lang po ako,ang anak ko po nakapasa na ng exam last april 26 2016 nakapag skill test na po sya sa cebu. taga gensan po kami.nag stop po sya sa pag aaral nya para lang makapunta ng korea.malapit na po mag isang taon ang paghihintay nya hanggang kailan pa po ba sya mag hihintay.sana po kung papalarin na may tutulong sa kanya baka maka alis na din sya.salamat po

    1. Yung mga engineer po dito E7 po ang visa nila. Ang EPS po ay para lamang sa factory work. Will try to post po in the coming days.

  34. good day po maam chay… ask ko lang po mahigpit po ba sila sa medical? sa kaso ko po kasi may lung scar po ako,fit to work po sya pero sa The Gulf Cooperation Council-(GCC) Accredited Medical Clinics Association (Gamca) unfit to work, kaya hndi ako makaalis… ask ko din po sakop po ba sya ng gamca? at anu-anong bansa pwede kami mag work, madaming kababayan natin ang may mga ganitong kaso kaya hndi makapag abroad, sana matulungan mo kami or mapayuhan.. tnx po….

    1. Hello mam..kpg fit to work po ibig svhin ok po med.nio..sumali po kau sa facebook group.mam para maitanung ntin sa mga eps na nasa korea na at mga andto sa pinas na nag aaply po eps…

  35. Gud day po mam betchay, ask ko lang po magkaiba po b ang eps topik sa klt exam? ..? At usually po gaano nmn katagal kung mag aaral o mag eenrol ako ng korean language… salamt po in advance sa sagot nyo..

    1. Hello mam,isa po ako sa nakapasa ng klt13.f like nio po mag aral ng korean language marami po sa facebook check nio po.kht saan po kau my branch cla…eps topik at klt po iisa lng po yan…mam sumali po kau sa group sa facebook ng mga eps klt po marami po dun..para po makakuha kau ng idea pwd rin po kau magtanung tanung kc lht po andun mga eps po.godbless

  36. Hi Ms. Betchay Ask ko lng po may possibilities pa po ba mkablik ang A to A nadetect po kc na 2 names ang ginamit nya nung ngpnta ng south Korea ung totoong name nya ginamit noon kso ng tnt kya nahuli then nag change name sya pra makablik ulit nakalusot naman at nagpakasal sa korean gamit ang ndi nya pangalan ngkaroon ng ARC at visa then ngsama sila ng 3years then nagbakasyon sila sa pinas ng 1 week after nun pgblik nila ng korea na trace na ndi nya totoong name un dhil sa may history n sya before as tnt.. 2011 ng ma trace yun then ngwork sya sa ibang bansa gamit ang real name nya.. Ask ko lng if mag apply sya sa poea as EPS may chance ba na mkpagwork sya at mabgyan ng working permit? Or kung mag aasawa sya ng korean mabbgyan ba sya ng chance na makapsok ulit gamit ng totoo nyang name? Pki reply nmn po thanks.. Ano po ba ang condition or law nila s falsification of documents?

    1. Ang pag-gamit kasi ng name ay fraud na maituturing sa Korea at pwedeng ma-ban ang may gawa. Kung EPS worker, madi-disqualify pag lumabas na may record. Kung mag-asawa ng Korean, baka sakali pero mas mainam na immigration lawyer ang tanungin diyan.

  37. Hi Mam.
    Ano po ba ang uunahin sa pag aapply.? Kailangan po bang mag aral muna ng korean Language bago mag apply?
    And anytime/ day po ba pwede mag apply?
    l

    1. Yes. Mag-aral muna ng Korean language. Yung announcement kasi ng application for the test at test date usually mga 1 lang ang pagitan. So dapat handa na.

  38. Gud pm ms.betchay ano-ano pa po ba pwede maging work sa korea yong d po daan sa eps?salamat po sa sagot sna po mapansin ty po..tc

  39. Hi Ma’am, sana po maka pag update po kayo kung kelan next exam. I will really appreciate it, thank you.

  40. Pede bang mg aplly ng work as crane operator ang dutch citizens while nandito sya sa pinas. And ag edad nya is now 65yrs old still can accept…

    1. 38 po ang age limit at citizens from 15 countries lang po ang pwede, di po kasama netherlands

    1. Hi Ryan! Sa Pilipinas po kasi ang testing para sa EPS-KLT. Habang nasa Dubai po kayo mag-aral na po kayo ng Korean.

  41. hello po.. ask ko lang po.. if ever napasa ko po yung exam madali nlang ba makapunta ng korea? o mag aantay pdin ng matagal?

    1. mag-aantay po na mapili ng employer. depende po ~ yung iba nakakaalis agad at meron naman na hindi napipili

  42. Hello po. Ask ko lang po kung pwede ba ako mag apply or mag take ng exam dito sa Dubai?
    Thank you

      1. Magandang gabi po. concern lang po panu po kung may lung history ka and nag medication ka since 2009, at nag iwan nang scar sa lungs. meron naman po akong medical certificate galing sa st. lukes medical center at lung center of the philippines. di ba may tinatawag na TB test.

  43. kpag po b 3yrs experience k in electronic company at soldering malaki po b ang chance n m pili k ng employers babae po aq

  44. halo mam betchay c gina fajardo poh ito..tanung kulng po f k lng ba mg apply my operation cs poh ako 4 9years na..at ung late rgstered ba brthcrtfacte ok lng ba un kc japan d ako ntanggap

  45. Ma’am Asa Dubai po ako balita ko this coming December may exam at gusto ko po sana sumubok maam Pero kailangan ko Muna magparegister? Ok Lang ba magparegister online? Kase andito pa ako Dubai December oats kase uwi ko

  46. Hello po! Tanong ko lng po kung pwede sa TESDA nlng mismo magaral ng korean language? Malapit lng kasi yun samin. Thank you in advance

  47. Hello ms. Betchay! Maraming salamat po sa response. Gusto ko lng din po malaman, kasi yung iba more than a year ng naghihintay kung mapipili sila ng employer, na hanggang ngayon di pa rin nangyayari. Expired na ata application nila. Ms. Betchay, bakit po ganun yung nangyari? Ano po ba pwedeng gawin para mapili ng employer? Kailangan ba impressive yung resumé mo by working experiences? Eh pano nmn kung nagtrabaho lng ako sa isang canteen, pwede bang iindicate yun sa info ko? Tapos po, if ever di pumasa sa TOPIK, may chance parin bang magretake? Ilang months po ang hihintayin, only if confirmed ng madeploy? Interesado tlga ako magwork sa Korea. Ms. Betchay, pease give me, us, advice to get a chance to work in Korea. Kahit mahirap, go lng. Maraming salamat

    1. Hi Melai! Depende talaga sa mga employer kung pipiliin o hindi. If ever na di pumasa sa TOPIK, pwede kumuha uli sa susunod na test na ia-announce ng POEA. Tiyaga at pasensiya lang kasi pag napili at nakapunta rito eh maganda talaga ang sweldo.

  48. Good day ms. Betchay! Di ko makita yung online registration ng TOPIK. Last option ko pupunta na lng akong POEA. It’ll be my first time kung magkagano’n. All by myself ako tutungo do’n. Pero search pa ulit ako mamaya, baka sakali makita ko na. Salamat sa response ms. Betchay. Sana di ka maging idle for a long time ha para updated parin tong thread nato.

    1. Hi Melai! Online lang ang application for the EPS TOPIK. At kung may schedule lang for registration. Baka masayang lang biyahe mo. May registration sa August 19 pero para lang ito sa mga ex-Korea or yung nanggaling na sa Korea at gusto uli bumalik.

  49. san po ba makikita ung online registration ng poea. di ko din po kasi makita ung pinaka direct link nya. thanks in advance ms. Betchay

  50. Good evening ms. Betchay! Meron akong nakita nung nagsearch po ako sa google. Meron application starting Aug 8 to 17, 2016, tapos po yung test date is on Oct 15 at 16 (not sure). Para lng po ba tlga sa mga ex-Korea yung application Ngayong buwan? Gusto ko po a sana tlgang mag test ngayon. Paki update nlng ms. Betchay. Maraming salamat 🙂

    1. Iba po ang TOPIK sa EPS TOPIK. Yung TOPIK lang is general para sa mga gustong kumuha ng test para sa university, immigration, etc. Yung para sa work sa Korea EPS-TOPIK po.

  51. Good evening ms. Betchay! Maraming salamat. Two different things pala yun. Heheh. Basta po paki update ms. Betchay kung Kelan po ulit Nxt EPS TOPIK. Salamat ulit

    1. May vacation leave ang EPS na pwedeng gamitin kung gustong magbakasyon sa Pilipinas. Basta pinayagan ng employer.

  52. Pag ba nagexam sa EPS TOPiK hihingin p certification kung San nagaral ng Korean language?.. O ang pinakamahalaga lang ay maipasa ang topik kahit wala certification ng pinagaralang Korean language center.. Reply pls

    1. Hindi na po hihingan kung nag-aral ng Korean sa language center or self-study lang. Basta po maipasa ang test.

    1. Around 50k po kasama na pamasahe at allowance. Just remember na walang agency ang nagpapadala sa Korea. Gobyerno sa gobyerno po talaga

      1. maam betchay maliban po sa exam this september or october kelan po sa next year (2017) ang next sched ng eps exam, magkasabay po ba ang CBT at PBT nyan? salamat po..more power!

  53. maam betchay maliban po sa exam this september or october kelan po sa next year (2017) ang next sched ng eps exam, magkasabay po ba ang CBT at PBT nyan? salamat po..more power!

  54. Hi po miss betchay…pwd parin po ba mag.trabaho sa korea kahit tourist visa lang pero hindi sa manufacturing mag.trabaho at kung tnt mka.pagpadala parin ba dito sa pinas hindi ba ma.strace yun ng tha korea…thanks po n more power……

  55. Ma’am ask ko lng kung pwede yung under grad sa highschool na mag-apply,sanay naman sa trabaho..but can speak english ma’am?

    1. Requirement po talaga na high school graduate. Marami po kasi ang naga-apply kaya hindi sila naga-adjust ng qualification.

  56. Goodmorning Maam Betchay, need po ba ng atleast 1year work experience kung magfafactory worker or ok lang without experience?

    1. Hi! Online ang application sa EPS so pwede kang mag-apply pero kailangan may Landbank account ka pag nag-register kasi kailangan bayaran ang testing fee para ma-complete ang registration. Pwede ka mag-aral ng Korean kahit nasaan ka pero sa araw mismo ng test dapat nasa Pilipinas ka.

  57. Mam ask k po sna kung panu po b if naipasa k po exam, pero I’m already 36 y/o po…ok pa po b un mam?tnx po..

  58. Hi im diane gusto sana ng asawa ko mag trabaho jan may experience nmn n cia, kaso kung halimbawang mkpsa cia sa EPS at tanggap cia sariling gastos b nmin ang panglalakad nea ng requirements, tsaka po panu po ung tirahan nila nea

  59. hi ms. betchay! public elementary teacher ako dito sa PIlipinas, pero gusto kong mag-apply sa KOrea. Possible ba na pag nagtake ako gn EPS-TOPIK na mpunta ako sa mga office or clerical works? Your reply will be highly appreciated. Thank you.

    1. Hi Jenny! Hindi po open ang Korea sa mga office or clerical jobs sa ngayon. Ang mga professional na nagpupunta rito usually mga specialized jobs gaya ng chef, engineers, executives ~

  60. Hi ma’am possible po na makabalik sa Korea ang surrender June 2016 may amnesty po tell December 31,may changes kaya makabalik. Ma’am sa for tourist

  61. annyong haseyo?miss betchy my kuntng alm n po aq sa lenggwahe ng korean,,,anu po b ang kadalasan n exam,?at lan buwan po ang tinatagal ng pag aanty kung sakali n nag anty k po para sa work in korea….sana po ay masagot u ang tanung ko…godbless po….jane manalastas

    1. Hi Regina! Naga-announce ang POEA kung merong test. Ang registration ay online lang ~ hindi visit sa POEA.

  62. hi ms. betchay, willing po magwork asawa ko sa korea as a factory eo
    worker. ang experience nya po is a waiter po and as of now po eh sa sm dept. store siya nagwowork. is it possible po na makapasok siya as a factory worker dun kahit di un ang experience nya, naka 3yrs working experience po xa…

      1. hello po maam betchay…..pag walang experience as a factory worker di po makapunta sa korea……….at saan po gaganapin ang exam..this day lang po nagbayad na ahad ako para sa schooling koren laguage pero basi sa naabsa ko po its not easy…….

  63. Hello po mam betchay…ppumasok po ako sa korea ng e6 visa tapos po nag tnt ako for almost 4 and half years…nag voluntary depart po ako noong apr.2014…may ban po ako at kung meron ilang taon po kaya? Gusto ko po sana kasing makabalik sa south korea..maraming salamat po..

  64. Hi mam. Ofw po ko ng saudi.aftr contract ko dto want ko apply sna ng korea highschool graduate ako..
    And asko lng po allow po b ang may tattoo..kasi my tattoo ako. Pero tago po i mean d nkikita. Waiting for ur reply thank u

  65. good day mam..pwdi po bang mag apply as a factory worker dyan kahit d po high school graduate..?kasi po gusto ko po talaga makapag apply sa korea..😊

  66. Good day po Maam/Sir,
    im currently working po sa saudi arabia as plumber and assistant electrician mag end contract ko po sa May 20,, gusto ko po sana mag apply sa korea,, pwede niyo po ba ako bigyan ng advised kung anung dapat kung gawin pag uwi para maka process po ako agad,,
    thank you po God bless

  67. magandang gabi po miss betchay,,,gusto po kc ng asawa ko mag apply ng korea,,pero sa ngayon nasa taiwan po sia,,,gustongngusto nia po tlga magbakasakali,,actually 2009 na aral na po sia ni korean language may certification nga po sia,,at ngayon po habang asa taiwan nag seself study po sia kc po by april ang uwi dto,,at gusto nia magtry ng exam,,,ask ko lang po mahigpit po ba ang medical kc po medho may prblem ang kabilang tenga nia at balak namin ipasurgery,,,minor lang nman po yung prblem,,,,salamat po mam betchay at sana po masagot nio katanungan ko,,God bless po

    1. Yes, entitled ang mga EPS sa paid leave na 15 days. Basta magpaalam ng maayos. Meron tinatawag na release kung saan pwede lumipat hangang 3 times ang worker. Basta ayusin lang lagi ang trabaho at kung sa palagay ay hindi makakaya, wag na mag-apply at hayaan na lang ang iba. Sayang ang slot 🙂

  68. hellow po maam ask ko lng po my mga constraction work po ba sa korea na pwde po pasukan now po kasi dtu po aku sa japan work now bilang steelman po pero pa uwe narin po aku patapos na po 3years ko dtu

  69. Good evening mam bethchay ask ko lng po kailangan po ba ang certificate n galing s skol na ng aral ng koria.? My bayad p ba kpag mg exam ng EPS? At meron b dto sa davao.tga davao po kac ako.pls reply po.tnx and godbless..

    1. Hi! Hindi kailangan ng certificate so pwedeng self-study. Siguro po meron diyan Korean language school sa Davao.

  70. Hi Madam Betchay… Accounting Assistant po ako ngaun sa Brunei, pwede kaya ako mag apply as accounting assistant din sa korea? Thank you po.

  71. Hi maam betchay ,pwede po ba ako apply dyan korea,,,pauwe na poh ako february ,cos im here now in jordan im 28 yrs old

  72. Hi ma’am.. Ano pong buwan usually my korean language test? Pinopost po ba ito ng POEA sa EPS-TOPIK?

  73. maam lhat po ba kaylangan kabisadohin???
    o mga basic words lang tiaka ask ko lang po kung pati yung pag sulat kaylangan pag aralan

    1. oo pag aaralan mo laht tska pno mo maiintindihan ung tanong s exam kung hindi k nakakaintindi ng sulat at salita nila.. tlgang swertihan lng tlga

  74. pag nkapasa po b sa exam.. at hindi napili ng employer.. pag gnun po ba wala ng chance mapili khit kelan? o antay antay lng? pag nkapasa po.. hindi n mag eexam khit kelan hanggng hindi nkakaalis?

  75. sinasamantala nmn ng ibang learning center yung ganitong pagkkataon mpakamahal maningil nkklungkot khit hindi p marunong bumasa pinapagraduate n. pra mkakakuha ulit ng mga tao n tuturuan pag kkperahn.

    1. Kaya naisip ko gumawa ng videos in Filipino. Nag-start na ako last April pero di ko pa na-upload hangang ngayon. Next week ma-upload nga.

  76. Happy new ms. Betchay! Balik thread ulit ako dito. Kakatuwa updated nato. Antayin po namin yung videos na ia-upload nyo. Baka dun nlng ako mag depend. Hehe. Salamat ms. Betchay

  77. Hi po ms. Betchay tanong ko lang po kung may branch po kayu dito sa nueva ecija kasi po interested po ako mag work sa korea pls reply po kayo

  78. Hello po maam betchay.. tanong ko lang po ulit kung hahanapin pa ba ang original diploma? Nasunogan po kasi kami noong 2013 and nasali po pero nakakuha napo ako nang passport bago mangyari po yun.. i here in kuwait now. Po. Waitress.m ask lang po ako kung hahanapin pa po ba.. highschool diploma po. Salamat. And more power to you..

  79. So pwd po ang edad ko o di na tlg pwd kc wala po aq idea nakikita ko safacebook 37 lng kaya ko po naitanung dio kung anu po ba tlg ang totoo pr po di na aq umasa.. Tnx

    1. Hi Ronnie! Anytime po i-announce na ng POEA. WAit lang po tayo. Yung pag-aaral ng KOrean language depende po sa mga centers pero pwede naman po self-study.

        1. May bayad po, mga 1000 pesos at yung venue hintayin po announcement ng POEA. Usually sa mga eskwela sa Manila at Cebu.

          1. ano pong website para malaman kung kelan ang examan?
            at san po naexam kung sakali?
            thanks po

          2. mam every year po ba ay nagkakaroon ng EPS-TOPIK?
            at once a year lang po ba yan talaga?
            thanks po sa response:)
            godbless

  80. hi miss betchay.
    possible poh bah kumuha ng exam through online kasi nandito poh ako kasalukuyan sah dubai dati nah poh akong factory worker sah taiwan for 3 years. mag self study nah lng poh ako.. pero kahit mafail kah bah sah exam pwedi naman ulit kumuha dba?
    try lng poh paka palarin din.

    1. HI Mara! Pwede po mag-apply ng exam online pero sa Pilipinas po ginaganap ang exam so kailangan nasa Pilipinas ng araw na yun.

  81. Hi mam ask ko lang po kung pwede po ba kong kumuha ng exam kahit 18 yrs old lng po ako ?
    Salamat po and God Bless

      1. hi po , ok lng po b s 1yr exp dalawang company napasukan nya .. anu po age limit 38 or 39? thank you 🙂

  82. Hi mam pano po kung wala po akong 1 yr experience na work. Ok lang po ba yun or need po talaga nila na may 1 yr. Experience ? I am 17 yrs. Old only mam , mag 18 palang po sa feb 5. Gusto ko po kasi agad mag work lalo na po alam kong may opportunity . Ty po mam have a nice day 🙂

  83. Hi maam have a good day po tanung ko lang po paano po mapa registerd ng through online para sa exam ng eps-topik self study po kasi ako maam.hintayin ko po ang sagot niyo maam.thank you so much po.

      1. Okay po maam thank you po sa sagot…maam isa pa pong tanong need po bah talaga high school graduate ang mag apply or mag takr ng exam?or kahit under graduate po basta maka pasa lang?pasensya na po.salamat ulit and god bless

  84. Hi po Ms.Betchay, ano po age limit 38 or 39? un s exp po na 1yr kailangan po ba s isang pinagtrabaho han lng un? o pde halimbawa sa 1yr exp nya dalawa company napasukan nya. Thank you po:)

  85. Hi po Ms Betchay, ano po age limit 38 or 39? un sa exp po na 1yr kailangan po ba s isang pinagtrabaho han lng un? or pde halimbawa sa 1yr exp nya dalawa company napasukan nya. Thank you po 🙂

  86. Hi betchay, my name is kenneth from uganda but currently working in uae. I would wish to know which steps should I use to get a job in south korea. Thx +971523722035

  87. Anyonghaseyo. Ask ko lang sana if may idea po kayo. Mas lower po ba ang chances na ma-shortlist ng employer kung ang experience mo majority eh halimbawa sa Callcenter industry or admin lang? Because from my understanding, manufacturing yung industry na kinukuha from us. Given po na pasado sa EPS exam. Ano kaya ang probability na ma hire ng HR nila ang mga pumasa from our job exp? Kamsahamnida and more power

    1. They won’t care about your job experience as it is really not a requirement. From what I’ve read, they need more workers who could do welding ~

      1. Hello po maam ask ko lang po saan po ba puedi mag aral ng korean language para makakuha po ng EPS?..kailangan po ba accredited ng poea ?..
        Thank you..

  88. Hello po ask ko lang po saan po ba puedi mag aral ng korean language para makakuha po ng EPS?..

  89. Good day mam. Nagself study po ako ng hangul pero I though n d d sapat to understand the meaning of the word or a sentence. Anong style po b PD gawin para MA’s mdali maunawaan?

  90. Goodeve po,Ask qlng,kelangan po b nla ng certificate of employment n katunayan n my 1yr working experience Ka? Ska natanggap po ba sila ng nakabrace yung ngipin? Salamat po.

    1. Ang certificate of employment is optional at kung magsa-submit dapat related sa work. Walang problema ang braces sa ngipin.

  91. Good morning Ms. Betchay! Required na po ba na may working experience at least 1yr? Nabasa ko kasi sa blog ni saranghae korea, ok lng kahit without experience. Sana po paki sagot tong tanong ko. Thank you

  92. Hi Ma’am Bet May height and weight requirements po ba ?? at pwede po kahit wlng exprience as a factory worker?

  93. Kailan po hiring ngayong 2017 gusto ko magaply pag uwiko pinas ngayong wilder gustoko aplyan po, tileseter marble fixer iyan po work ko dito sa saudi bin Laden
    From seftember 6/2012 in till now now hanging pang uwi my march

  94. Ma’am paano kung self employed ka for example nagmamanage ng business like computer shop, or kahit 2 months lang na working experience.pwede na po ba yun basta maipasa yung exam?Thanks.

  95. hello po maam ngaun plng poh ako mg aaply abroad gus2 ko sa korea ok lng poh ba kht wlng experience sa factory kc poh kslukuyn lady guard ako d2 sa pinas pro tpos ako ng voctional hrm..

  96. Good day po! Pwede po mag apply ng other job aside sa factory worker? Like waitress or office staff? Business management grad po kasi ako and willing to work in korea

    1. Hi Mae! Marami sa mga factory workers dito college grads din at yung iba nga engineers pa. Hindi open ang Korea sa ibang klase ng trabaho, pwera na lang kung may special skills.

    1. Hi! Mag-start ako mag-upload ng video sa Youtube page ko. Di ko lang magawa ang iba kasi sinisipon ako ~ pag okay na ako itutuloy ko na.

  97. Hello po mam.my hiegth limit po b sa Korea man.thanks po..kada march or April lng po b exsam mam?

      1. hi mam bethay..ask lng pu aq, nxyr same month uwe n pu aq ng pinas,at gusto q pu mag work sa korea,DH pu aq at walang xperience sa Factory .. pwde pa rn pu ba aq mag apply at panu pu ung self study habang andto pa pu aq sa uae,GODBLESS pu and thankyou!!

        1. HI! Pwede mag-apply kahit walang experience sa factory, pero mababawasan ng point kumpara sa may experience.

  98. Hello po pwede napo ba mag aply uli Ang nag tnt sa Korea na sumuko at Hindi nman nahuli ng immigration at 5yrs nasa pinas makakabalik poba ba sa korea

    1. HI! Sa EPS pwede mag-apply at mag-test pero hindi nabibigyan ng immigration ng visa kung nag-overstay sa Korea kahit nahuli or hindi nahuli.

  99. hello poh maam pg nag apply poh sa korea blng factory worker kelngan pba ng visa..ska lng taon poh kuntrata dun at pwde bng renew..

  100. Good day po ma’am.
    Pwede po ba maging tourist sa Korea at doon po magaapply mismo sa mga company nila?
    Thank you po.

  101. mam Betchay ask lng po sa TARLAC po kasi ako umuuwi meron po ba school para sa Korean for study the nila

  102. mam betchay 10yrs na po ako ng work nang Saudi us MAINTENACE sa petrochemical gas plant pasok po ba ang experience ko gusto kulang kasi malaman ang sagot pag uwi ko a apply ako agad sa poea para sa factory worker sa korea

  103. mam betchay tanong lang po ano po ang status nang buhay doon at pamamalakat nang government nang korea?

  104. hi po mam betchay, ask ko lang po if my online ba sa pag aaral nang kerean at if possible po andito kc ako sa uae ehhh… pwede po ba ako mag apply from here to korea na po??? di napo ako daan dyan sa pinas?? hope you reply thank you po God bless

    1. Hi! Yung test po kasi sa Pilipinas ginagawa. pwede naman mag-apply ng test online pero kailangan umuwi ng pinas para sa test.

  105. Hi,Mam Betchay askbko lanG po kunG pwd p po b mam ako makasama sa exam this coming march ang appointment ko pa po xe, ng passport ehh ngaung feb 15 ask q lng pu ko mkakatake pa po ako ng exam nagaral n po aq ng koreanlanguage” gusto q pu sna mkasama sa pag take ng exam sana po matulungan nu po ako ito po no. Ko 09193720505

    1. Hi Jhay-ar! Very specific kasi ang rule ng POEA na dapat may passport na na valid hangang January 2018. Next year na po kayo makakahabol.

  106. Good day mam bethchay sna po matulungan nu po ako mka take ng exam this coming march nagaral n po aq ng korean peo ung passport ko pu eh sa Feb,15 p ang appointment ask q lng pu sna qng my chance p pu ako mkapag take ng exam”!sna mtulungan nu po aq ito pu ang contact no. Ko 09193720505 salamat po and godbless!

  107. Ayy sayanG nmn po 1year po ult aq mg iintaY sana by june to august mG karoon o kYa Nov. nkadeprndi po ata sa dami nG papasa pnget nmn qng svhn q n kunti lng sna mkpza peo sna mkapasa cla lht para d n cla mg antay ult ng exam!peo sna lng bglaan mg karoon ult!

  108. mam Betchay kasi next year mg 38 yrs old na po ako sana maka habol ako by 2017 any month po nang exam nila sana mag kakaroon pa godbless to all

    1. Hi Ruby! Tapos na po ang registration for the test. Next year na po uli. Mag-aral po tayo ng KOrean para mas malaki ang chance next year.

  109. mam betchay bkit po indi kayo ng reply sa mga message ko?at matong lng po uli sa next year po ba ang registration at anong month po ba ang umpisa thanks po godbless

    1. Hi! Having problem with the contact form. Anyway, usually around January-February ang registration at March-April ang exam.