Overseas Voting for Filipinos in Korea

Elections in the Philippines is near and the Filipinos are excited to vote for the next President and Vice President of the country. Just a reminder to vote not for a party, not for personalities but for the future of the Filipinos.
Filipinos in Korea could also participate in the Philippine elections through overseas voting.
Thanks to DJ Gennie Kim for allowing us to use the images on this post.
Filipinos in Korea ~ Overseas Voting

KAILAN PWEDENG BUMOTO?

~ Mula April 9 hangang May 9, 2016 kasama ang Biyernes, Sabado at holiday
~ Ang unang araw ng pagboto ay sa April 9 at mag-uumpisa ng 8:00 am hangang 5:00 pm.
~ Sa mga susunod na araw, maaaring bumoto sa Philippine Embassy habang bukas ito (di kasama ang lunch break na 12-1).
Kung nasa Busan, sa April 22 at 23. Kung nasa Daegu, sa April 29 at 30.
overseas voting 3

PAANO BUMOTO?

Dalawa ang paraan ng pagboto:
1. Personal voting o pagpunta ng botante sa Embassy.
2. Postal voting o pagboto sa pamamagitan ng post office.

PAANO ANG PERSONAL VOTING?

Pumunta lamang sa Philippine Embassy mula April 9 hangang May 9. Sa April 9, pwede bumoto mula 8am hangang 5pm. Sa mga susunod na araw, maaari lang bumoto sa oras ng opisina. Dalhin ang voter’s ID o kung anuman magpapatunay ng pagpapakilanlan.

PAANO ANG POSTAL VOTING?

Ang postal voting ay mainam para sa mga nakatira malayo sa Philippine Embassy.
1. Kailangan mag-fill-in ng form at i-submit sa Embassy.
overseas voting 6
Kailangan dalhin o ipadala ang form sa Special Ballot Reception and Custody Group (SBRCG) hangang April 22 lamang.
~ Pwedeng ipadala sa email na eleksyon2016@philembassy-seoul.com
~ or i-fax sa (02) 796-0827
~ or sa address na ‘to:
Embassy of the Republic of the Philippines (필리핀 대사관)
80 Hoenamu-ro, Yongsan-gu, Seoul 04346 (서울시 용산구 회나무로 80)
Tandaan na maglakip ng kaukulang ID (gaya ng photocopy ng voter’s ID, passport or alien card).
Ipapadala ng Philippine Embassy sa inyo ang voting packet.
Bumoto at ipadala uli ang boto sa Embassy o pwede ring dalhin ng personal.
Ang mga balota ay tatanggapin hangang April 22 lamang. Ang mga balotang matatanggap pagkatapos ng April 22 ay hindi bibilangin.

SINO ANG PWEDENG BUMOTO?

Ang pwede lang bumoto ay
~ mga nakapagparehistro sa Philippine Embassy
~ mga nakapagparehistro sa POEA bago umalis ng bansa

SAAN MAKIKITA ANG PANGALAN NG PWEDENG BUMOTO?

Pwede pong bumisita sa website ng Comelec at i-download ang Certified List of Overseas Voters
Note: Napakalaki ng file at mabagal ang downloading. Sana hinati nila by country.

6 comments

  1. Good afternoon, Ms. Betchay. After emailing the application for postal voting and then naka receive na ng acknowledgement receipt, gaano po katagal bago ma receive yung official ballot?

    1. Hi Norie! I don’t really know how long it will take but you should send back the ballot before May 9th.

Leave a Reply