Inilabas na ng Ministry of Employment and Labor (MOEL) at ng Human Resources Development Korea (HRD Korea) ang bagong patakaran para sa EPS-TOPIK sa taong 2017. Ang guideline ay ipinalabas sa pamamagitan ng POEA sa ika-17 ng Enero, 2017. Ito ay naiiba sa naunang sistema ng EPS-TOPIK.
Ano ang EPS-TOPIK?
Ang EPS-TOPIK ang tanging paraan upang makapagtrabaho sa South Korea bilang factory worker. Ito ay sa pamamagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Korea. Ang POEA lang ang tanging ahensiya na nagsasagawa nito. Walang recruitment agency ang maaaring makapagpadala sa Korea ng trabahador.
Kaibahan ng EPS-TOPIK 2017 sa mga nakaraan
Ang dating sistema ay isang eksamen lang kada taon at pwede nang maisali ang pangalan sa listahan ng mga pwedeng pagpilian na mga empleyado.
Sa bagong sistema ay base sa PUNTOS na makukuha sa dalawang pagsusulit na kailangan maipasa bago maisali ang pangalan sa listahan ng mga pagpipiliang empleyado. Ang may pinakamataas na puntos ay mas malaki ang pagkakataon na mapili ang pangalan upang makapagtrabaho sa Korea.
Ang unang pagsusulit ay tungkol sa KOREAN LANGUAGE. Ang pangalawa ay SKILLS TEST at COMPETENCY TEST. Kailangan munang maipasa ang KOREAN LANGUAGE bago makapunta sa pangalawang pagsusulit.
Ang ikalawang pagsusulit ay ang SKILLS TEST na kasali ang pisikal, interbyu at basic skills. Ito ay KAILANGAN na kunin.
Ang COMPETENCY TEST ay hindi kailangan pero makakadagdag sa puntos. Maaari itong work experience, training, at certificates na tungkol sa industriya na pinapasukan. (Kung ang work experience ay sa call center o sales at iba pa na hindi tungkol sa manufacturing, ito ay hindi kasali)
<
h4>ANO ANG MGA QUALIFICATIONS?
- Edad na 18 hangang 38 (Pinanganak mula Pebrero 1, 1978 hangang Enero 31, 1999)
- Walang rekord ng pagkakabilango
- Walang rekord ng OVERSTAYING sa Korea (Hindi naging TNT sa Korea kahit boluntaryong umuwi)
- Hindi pinipigilan na umalis ng bansa
- Walang color blindness o color weakness
- Physically fit at kumpleto ang mga daliri at malakas ang likod (di pwede slipped disc o may finger amputation)
KAILAN ANG REGISTRATION?
Ang rehistrasyon ay APAT NA ARAW mula ika-31 ng Enero hangang ika-3 ng Pebrero.
Enero 31, Pebrero 1 at 2 – PARA LANG SA MGA LALAKI
Pebrero 3 – PARA SA MGA LALAKI AT BABAE
Mas pinipili ang lalaki dahil sa pisikal na pangangailangan ng trabaho. Sa ngayon, mahigit 2,000 babae ang nasa listahan ng POEA.
Sa isang araw, 7,500 na aplikante ang pwedeng magparehistro. 30,000 na aplikante lang ang papayagan na makapagparehistro sa loob ng apat ng araw.
Oras ng pagpaparehistro: 6 AM TO 8 PM
PAANO MAGPAREHISTRO?
1. Gumawa ng EPS-TOPIK account sa POEA MANPOWER REGISTRY SYSTEM
2. I-check ang email at i-click ang link na nasa email.
3. Kumpletuhin ang registration form.
4. I-check ang email para sa estado ng rehistrasyon.
5. Mag log-in sa EPS-TOPIK Registration Account.
6. Pag approve, i-click ang “proceed to payment”.
7. Ilagay ang kailangang impormasyon at hintayin ang confirmation.
8. I-print ang test permit para sa schedule.
MGA KAILANGANG DOKUMENTO SA PAGPAPAREHISTRO
1. Passport (Expiration: January 2018 o matagal pa)
2. Clear copy ng scanned passport
3. 2 Colored ID picture na may dark blue na background at name tag (apelyido, pangalan, middle initial, suffix kung SR o JR), size 3.5cm x 4.5cm (hindi hihigit sa tatlong buwan)
4. Testing fee: 24 USD o 1,196 pesos
SCHEDULE NG PAGSUSULIT
UNANG PAGSUSULIT – Korean Language Test
Actual Test via PBT: ika-25 ng Marso (Sat) ~ ika-26 ng Marso (Sun) (PARA SA MGA BAGONG APLIKANTE)
Actual Test via CBT: ika-3 ng Hulyo (Mon) ~ ika-31 ng Hulyo (Mon) / Maaaring magbago (PARA SA MGA EX-KOREA)
Upang makapasa, kailangan makakuha ng 40 points ang aplikante. 200% ng makakapasa ang pipiliin ayon sa taas ng score. Ang bilang ng makakapasa ay depende sa bilang at ito ay maaaring iba-iba.
Ang READING at LISTENING ay tag-25 na tanong at 2 points bawat isa. Ito ay multiple choice o pagpili ng tamang sagot.
Ang resulta ng unang pagsusulit ay:
PBT: ika-7 ng Abril
CBT: ika-11 ng Agosto
IKALAWANG PAGSUSULIT – Skills Test at Competency Test
[PBT PART]
▪ Rehistrasyon (3 araw): ika-10 ng Abril (Mon) ~ ika-12 ng Abril (Wed)
* Ibigay ang dokumento sa POEA kung gustong sumali sa COMPETENCY TEST
▪ Pag-anunsyo ng lugar at date Skills Test: ika-9 ng Mayo (Tue)
▪ Araw ng pagsusulit: ika-25 ng Mayo (Thu) ~ ika-30 ng Mayo (Tue) / anim na araw at maaaring magbago
▪ Pag-anunsyo ng pasado PBT: ika-14 ng Hunyo (Wed)
[CBT PART]
▪ Rehistrasyon (3 araw): ika-14 ng Agosto(Mon) ~ ika-16 ng Agosto (Wed)
* Ibigay ang dokumento sa POEA kung gustong sumali sa COMPETENCY TEST
▪ Pag-anunsyo ng lugar at date Skills Test: ika-8 ng Setyembre (Fri)
▪ Araw ng pagsusulit: ika-16 ng Setyembre (Sat) ~ ika-18 ng Setyembre (Mon) / tatlong araw at maaring magbago
▪ Pag-anunsyo ng pasado CBT: ika-29 ng Setyembre (Fri)
Tandaan na ang SKILLS TEST AY KAILANGANG KUNIN.
ANG COMPETENCY TEST AY HINDI KAILANGAN PERO MAKAKADAGDAG SA PUNTOS.
PAGSALI SA COMPETENCY TEST
Ito ay para lang sa may
– work experience o karanasan sa napiling trabaho
– training sa napiling trabaho
– certificate para sa napiling trabaho
Rehistrasyon (3 araw): ika-10 ng Abril hangang ika-12 ng Abril para sa PBT
Rehistrasyon (3 araw): ika-14 ng Agosto hangang ika-16 ng Agosto para sa CBT
Lugar: Opisina ng POEA
Kailangang dokumento:
1. Passport
2. Application form
3. Mga dokumento
- Para sa work experience
— Certificate of Career (Certificate of Employment)
— Kopya ng working visa (Kung nagtrabaho sa abroad)
— Certificate mula sa recruiter (kung nagtrabaho sa abroad) -
Training Course
–Orihinal na “Certificate of Training Completion” -
National Certificate
— Copy or original document of national certificate
Kailangan na ang work experience, training course at national certificate ay may kinalaman sa trabahong pinapasukan. Hindi na dapat isali kung wala itong kinalaman sa trabaho.
Pag-anunsyo: ika-9 ng Mayo (Tue) (PBT) / ika-8 ng Setyembre (Fri) (CBT)
Lugar: Homepage of POEA
○ Actual Skills and Competency Test: ika-25 ng Mayo (Thu) ~ ika-30 ng Mayo (Tue) (PBT)/ maaaring magbago
ika-16 ng Setyembre (Sat) ~ ika-18 ng Setyembre (Mon) (CBT) / maaaring magbago
<
h4>HULING PAG-ANUNSYO NG MGA PASADO SA EPS-TOPIK 2017
ika-24 ng Hunyo para sa PBT at ika-29 ng Setyembre para sa CBT
<
h4>HINDI MAAARING PUMASA
1. Mga mayroong color blindness, color weakness at may pisikal na kapansanan (gaya ng slipped disc at kulang ng daliri)
2. Ang gumamit ng digital device gaya ng tablet, cellphone, camera at iba pa sa araw ng pagsusulit.
3. Dishonesty o pandaraya sa pagsusulit o sa mga dokumento
4. Pag ang impormasyon sa pasaporte at aplikasyon sa EPS-TOPIK ay hindi nagtutugma
5. Pag may bura sa dokumento o sinadyang pineke ang mga dokumento
6. Ang may sakit gaya ng TB
Tandaan na ang PAGPASA AY HINDI GARANTIYA NG TRABAHO. ITO AY PAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MAPILI.
I-DOWNLOAD ANG BUONG DOKUMENTO MULA SA POEA PARA SA EPS-TOPIK 2017
Thank you
kailan po ang exam sa epstopic?
Can i apply even im here at brunei?
Pwede po ba ang dating asawa ng koreano
Ahh yun pla fabricator at assembler kasali yun nu???
Good day!
Paano kung sa march pa ang passport ko, makahabol pa ba ako sa eps topik exam? Kailangan ko bangmag register kahit wala pa akong passport?
Kailangan ng passport sa registration.
salamat po, wala na po bang registration at chance to take eps topik exas with in his year?
may chance po bang ma extend ang age limit to 45 yrs. old ang pwdeng makapag Korea?
salamat po.
HI! Wala pong chance na ma-extend sa ngayon ang age limit. Ang ibang bansa kasi na kasali sa EPS hindi nagre-request na itaas ang age limit.
Admin ask Ko lng po, kng ung account po n ginamit last year d n pd gamit uli?
Hi’sir/man,nagtratrabaho po ako ngayon sa saudi,matatapos nah po ung contract ko February 24, 2017..gusto ko sana makahabol sa registration nyo, pro nkita ko ung petsa ng registration nyo, paano ako makakahabol poh, gusto ko po talaga mka pagtrabaho ng korea, eto po ung reason kng bakit ako nag exit sa saudi poh..
Hi! Ksi kailangan magbayad sa bank pag nag-register. Ask ka ng kamag-anak mo na magbabayad para sa yo.
good day po 🙂 ask ko lang po sana last 2014 po kase nkpag work n aq sa korea kaya lang nag paalam akong umuwi sa amo ko pero d naman po talga ako umuwi naghanap aq ng ibang work at wala nmn po akong record sa immigration kase umuwi din ako kaagad.. hindi rin po ako nharang sa airport at tinanong nila kung magbabakasyon lang ba ako then sinabi ko “OO”. tpos hindi na ako ulit bmlik.. ang entry date q january 16 2013 expired ng visa q is 2017. ung alien card q sinurrender q sa HRD dto sa PILIPINAS.. ang gusto q po sana itanong is PWEDE PA PO BA AKONG MAG TAKE NG EXAM NGAYONG KLT14 PBT?
THANK YOU..
This is it pansit.
good luck GUYS 🙂
Hi pwede na ba mag register or dun pa sa nasabing araw pa.?
Sa nasabing araw pa po pero pwede na gumawa ng account sa POEA.
Pero dapat nakapag aral na ng korean language tama?
hello admin musa po? ask ko lang po kung paano gumawa ng account sa poea?ah yung sinasabi mo ba is yung e-registration ba po?samalat and godbless asahan ko po reply nyu
kailangan po muna gumawa ng account sa e-registration tapos sa january 31 pag nag open na ang registration may link para sa eps registration
ah ok po sir admin….one question pa po?;) yung eregistration kasi ng kasama ko is not activated pero mayrun nmn siyang ereg# tapos from nueva vizcaya pa kami sir admin ano pinaka magandang gawin po kasi hindi sumasagot yung landline for eregistration?asap po?salamat?
Free orientation for more details send name/address to 09281849615 help ko kayo sa mga tanong niyo para malaman niyo ang eps process thank you God bless you
Ask ko lang if expired na passport on process ang renewal pwede ba mag apply pa den, to follow nalang yung latest na passport??
Kailangan po mag-match yung info sa registration at sa passport.
Admin sa october pa po kasi maeexpired yung passport pwede kaya aq mkapagregister.,.,
Malinaw po ang sabi ng POEA ~dapat January 2018 o matagal pa ang expiration
gud eve po,pwede po ba mgregister ulit sa skill test yung mga passer ng klt13 n hindi nakapagtake last year?,,active pa po yung account ko sa roster.
Pwede po b makaalis kung sakaling makapasa sa exam ang may sakit na hepa B,my ganun kc ung asawa q,
Hepa B at TB hindi na po pwede
Good day!ask q lng po kung meron pang ibang scheduled ng exam?maliban sa march 25,26 at sa new applicant july 3 ~ 31.nasa taiwan pa po kc aq sa august pa uwi q.salamat po!
Hi Allan! Next year na po yung susunod.
Hello po Admin.. Now ko lng po kc na noticed na may ganto pala. Gusto ko po sana mag work abroad sa korea at required pa po ba mag aral ng korean language para makapag exam ng EPS TOPIK? At next pa po ba ang registration? Hope mabasa at masagod nyo po ang katanungan ko salamat po Admin.
Ask ko lang po san po kaya mgbabayad ng fee.. sa poea po ba or sa bank
Hi! Sa bank po pero sa registration day pa po.
Admin, pwde po ba pbi island po bancnet member man po cya kso nga lng po wala sya list ng mga banks na binigay ng poea…slamat sa sasagotvadmin
hi po admin..paano ko po kya mererecover yong account ko s e-registration hindi ko na kasi mabuksan paano ako makakapag exam?
Pano po kung may mild na color blimd ung isang tao d na b talaga pwede makapag work sa korea? Last year kac pwde pa
Sa e-registration ng poea parin ba admin gagawa ng account,at dahil nag aral at hindi ngtrabaho pero mag 20yrs old na pwede parin ba apply kc wlng work experience.
Need ko po admin reply
wag po tayo demanding, busy po mga tao sa korea 🙂
Pasensya na po hindi naman po sa ganun,na mis interpretation lang po….
no problem po. good luck po sa inyo
ok lang po. optional ang work experience
mas matanda ako sayo pero wala din ako experience TT
pano po kung implant po na titanium sa left leg ko at mejo ikaika pa ang lakad..
mabigat po kasi ang trabaho, baka di po makapasa sa physical test
at 37 napo ako,sa dec.06 2017 38 na pede pa ba?
basta po pumasok sa birthday na nakalagay sa taas
Hellu po ask ko lang po if pwede mag apply sa korea if may sakit aa balat like..Psoriasis..tnx po..
admin.. pano po yung my kaunting diprensiya sa mata ? malabo ung kabila kong mata pero yung isa malinaw na naman.
may physical test po at sila po ang magsasabi kung pwede or not
ok lg po ba na wlang space sa pangalan sa e registratio? dahil sa my kapareho akong pangalan hindi ko makasubmit o register
Hi Christian! Dapat ang information mo ay magma-match sa passport mo. Pag may pagkakaiba posible ma-reject o di ma-approve.
hI christian here.. ask ko lang upon registration at eps topik kanina january 31, 2017 , lumabas sa site na overage na daw ako.. kahit na 35 palang ako….. anu ba ang possible problem with this.. looking forward for your reply.. thanks
cont… tama naman ang pag input ko ng birthdate.. un pa rin ang error na lumabas overage parin.
ask ko lang po kung Saan po at paano makakapag register? katulad dn po ba nung lastyear ??
Yes sa POEA po sa araw ng registration
Wala po akong slip disc pero may minor sciliosis ako at pinayagan nman ako ng doctor na mgbuhat ng mabigat ay may minor din akong pagka blind color… May possibility po b akong pwedeng pumasa kahit naipasa ko angga exam?
Hi! POEA lang po makakapagsabi kung pwede or hindi pero klaro sila na dapat physically fit.
Hi po tanong q lang kung my chance po b na magextend ang registration?kc mga feb.7 po release ng passport.thanks
Wala po. Kung di po makahabol, next year na lang po.
Thanks po.syang naman
Same here. Feb 7 din yung releasing ng passport ko. Tsk. Sayang mga eh. Natry mo na ba mag ask sa DFA kung pwedi mkuha by feb 1? Hehe baka pwedi
gud pm mam/sir,,ask klng f ever n my scar s lungs dna b pd??kht my certification n gling s doctor katibayan n magaling n.
wala rin may age limit parin.
hi admin ask ko lng po sana maka pasa po ba kaya medyo blurry eyes po ako sa letter . and bago ba mg register kelngan po ba nkapg training na nang korean languages . sana po feedbackan nyo po ako
Hi Dennis! Yung registration at date ng test ay 2months lang ang pagitan so dapat nakapag-aral na ng Korean.
wala po bang need ng trachers sa SK? or pwede po ba maka apply as teachers amg mga Pinoy teachers?
Hi Edlyn! Wala pong need ng teachers. ESL po or English teachers pero limited sa 7 countries lang po: US, UK, Australia, CAnada, New Zealand,South Africa at Ireland.
hello admin …after po ng march 17 klan po ulit ang mggng registration at exam …ang tpos po kc ng contract ko is may 2017 dto sa Taiwan …interesado po kc ako sa Korea ….salamt po sa pgtugon
Hi Aileen! Once a year lang ang EPS-TOPIK so prepare ka na lang para sa 2018.
Hi Gudam pnu kpg invalid yung username at password S registration Anu po gagawin? Thanks
Try nyo po i-edit o kaya tawagan ang POEA.
Good day. Tanong ko lng admin, nais ko sana mag exam . Kaso yung passport ko is feb 7 pa yung date ng releasing dn sa receipt ko.. Eh yung ereg is until feb 3 lng.. Pwedi po kaya mapaki usapan yung dfa or poea? Need ur answer admin asap. Thnk you so much
Hi Jhan! Kailangan po ang passport number sa mismong araw ng registration.
ganun po ba? sayang naman,
Hello po
can i ask po kung ok lang po ba sa korea ang lung scar hindi na po active.Thank you.
Tinanong ko po at hindi daw.
pwede p0o ba abng may CS operayion ?pero 3 yaers na po ang nakalipas..
Sorry po, tawag po ng POEA kasi hindi masyadong specific ang policy o rules, basta nakalagay ay physically fit at walang Hepa B, TB, color blindness, etc.
I mean na meron ppo akong CS operation,pero 3 years na ang nakalipas.may chance po bah?
sa maynla lang bah isagawa ang mga test na iyon?.taga mindanao kasi ako..
ask k lang po pwede po b mg register if nk sked p lng ung passport ng feb.
Hi! Kailangan po ang passport sa registration.
hi admin, nka register na ako as E-reg paano po malalaman kung pasok ako sa eps-topik test? kc ang sabi sa registration via online anu po kailangan gawin?
Hi Paulo! Sa January 31 pa start ng registration sa EPS. Yung registration sa e-reg requirement ng POEA.
Para sa mga bago po sa March pa pa lang ang sched at hindi pede sumabay sa July? Ano po ba yung CBT at PBT?
Teka po. Humihingi po ng clarification mula sa POEA. Apparently, ang CBT ay special-eps topik para sa mga ex-korea pero mukhang wala po ngayong taon. Hintayin lang po ang paglilinaw ng POEA. Kakausapin po ng isang taga- Korea ang POEA bukas.
hi admin happy evening po tanong po sana ako ilan beses po ba ang exam mauulit sa loob ng taon na eto kc po mg training pa po ako ng korean language sana po ma guide nyo po ako . maraming salamat po
Hi po admin . Pano po pag alang dumating na verification sa email na ginamit q. Gmail po kc ginamit q
Nalilito po ako, ang PBT is Paper Based Test? and yung CBT Comupter Based Test? Tama po ba? Or mali? T_T and this year po, isang beses lang yung exam? I mean, yung para makapagtrabaho sa korea, parang isang batch lang this year?
HI M! Ngayon lang kasi nabago ang sistema. Once every year lang ang test sa mga new EPS applicants. Usually ang CBT na sinasabi ay ang Special EPS para sa mga dati nang EPS na gustong bumalik ng Korea. Ngayong taon walang Special EPS pero hindi pa klaro kung ang CBT nga ngayong taon ay para sa mga bagong aplikante.
Hi, d ko po kc ma gets.. wala pa po bng schedule ung pagpaparegister para sa CBT? Thanks
May bagong advisory po ang POEA at mukhang walang info about CBT.
hello po admin. ask ko lng po kung ano po b tlga ang SIZE & RESOLUTION s passport scanned & picture?
Hi, im regine magrerenew plng po aq ng passport sa january 31 kya lng ang register sa feb. 3 na po dba. Pwede po bng 2 follow na lng ang passort?
Hi Regine! Hindi ka makakaabot. Next year na lang uli.
Hi admin, ppanu kung ang expiration ng pport ko ay sa Aug’17.. at balak ko wag n muna irenew kpg nag exam ak this march…ng sa ganun ay tugma ereg ko at doc kpg ngpass sa poea..Instead mga june or july ko n lng ipparenew.. ok lng po b un, hndi b maddisqualify?… Thanks admin for the response..
Hi! Dapat po January 2018 o higit pa ang expiration. Rule po iyun.
Hi ask ko lang po bout sa payment sa registration landbank lang po ba pwede?
nakagawa na ako account sa e-reg kaso bakit wala naman nkalagay dun about sa payment? panu ko din malalaman if nkaregister na ako?
Sa Feb 3 pa ang registration para sa mga babae. Ang registration na nakalagay sa link na to ay e-registration muna sa POEA. Kailangan kasi e-registration muna bago makapag-register sa EPS-TOPIK next week.
ok thanks… ung payment tru landbank lang ba tlga? sana naman my ibang bank na pwede
Landbank or Bancnet at online lang po.
ask lang po kung dapat parehas ang info. sa passport at e-reg. kc po magkaiba ang address ko dun.
thanks po.
Ask lang po pano mag retrieved nang account sa e reg kasi hindi na po nabuksan aftr 6months kaya wala na po athinri na nila alam password at account nila
Hi Jubie! Kailangan nyo po ipa-activate uli.
Papano po at saan?
Try din nmin gawan cla ulit ng bago account kaso ayaw ma activate
Kailangan ba nila punta mismo sa POEa for activation?
hi!ask ko lng po sna kng pwepwede pa po ung passport ko..ung passport ko po kc hnggang july 12,2017 nlng pero nkapagpasched na po ako ng renewal this coming march 14,2017.pwd pa po ba un???
Hindi po. Malinaw po ang sabi sa rules na kailangan ang passport ay January 2018 or later pa ang expiration.
Grabe, laging down ang server.. nakacreate kami ng account pero di kami makaupload ng photo saka passport and make payment… huhuhuhu Nareach na daw ang quota nila for today. Pano yan? What time kaya magoopen ang website nila? 1AM online na ba nun?
oo nga bakit hindi maattached ung photo? last week p aq ngttry eh. anu ba yan!
grabe nmn poh corrupt ng site nyo…
Bakit nyo naman po nasabi?
October 21, 1978 po birthday ko, pasok po ba un sa age requirment? thank you..!
about po sa payment… ask ko lang, diba kailangan online payment… kailangan ba sariling bank account o pwede makigamit ng ibang account if walang bank account?
kung down lagi system nyo panu kmi mkpg register? pag attached nga lng ng photo s resume eh ayaw na last week p aq ngttry kso ayaw tlga
Paano po maeedit ang date of passport expiration kung naclick submit na nya ang registration online? Nagkamali po ang tito ko sa pagencode dahil nagkabaligtad ang month and day at huli na nang mapansin nyang baligtad ang month and day.
Eh ano po ung 54th topik? S October 2017 po yun. Kung sinasabi nyo pong once a year lng? Nkita ko po in s poea. Hang 55th topic po ang nandun. 53th topic nman ay for Korea lng.
Iba po ang topik sa eps-topik. Kung gusto mag-work sa Korea as EPS worker, yung EPS-TOPIK ang kinukuha hindi yung TOPIK (general).
Good pm! Ask ko lng ng ngbayad ako ngaun feb 5, 2017 gnun b pay now p rn un lumalabas s registration ko,tnx
ask ko lang kz ngregister aq nung fri kso kahapon q lng nacheck na ung nilagay q email eh kulang ng .ph panu kaya un maedit? kz ayaw na eh dq maedit. kz panu q open ung confirmation? need un iprint db for taking exam?
Ask ko lng gnu b ktagal un for approval,feb 8 na un pa rn nkaindicate sa registration ko
o po ask ko lang po sana about sa eps, paano po ba kapag na-cancel ang contract? kwento ko lang po yunh boyfriend ko po kc april 2016 nagka employer na po sya kaso na-cancel po dahil po sa health issue, nagka fatty liver po kc sya, then ang sabi po sa kanya kaylangan muna magpalipas ng 1yr para magka employer po sya ulit, and yun nga po hanggang ngayon waiting pa rin po sya pero nag follow up po sya last month para ipakita yung result na ok na po liver nya, lagi lang po kc sinasabi wait lang daw po, syempre sa side po namin parang wala pong kasiguraduhan.. ano po kaya pwedwng gawin? Sana po may makabasa at may makapag advice po samin, hirap po kc makahanap ng taong mapagtatanungan
Thankyou po in advance and Godbless!
Passer na po sya, yun lang po tlaga naging problem nya pero hindi naman po sya nag gamot, exercise lang, and ngayon ok na po sya
bakit d po aq makapag print ng test permit hanggan kailan po ba ang deadline para makapag print ng test permit ngayun 2017
Kailan po ulit ang next batch this year ng registration, kasi po sa april 28 pa po release ng passport ko , may chance pa po ba ako this year ? pa response nalang po admnin .. thanks po ng marami
Hello po Admin. Now ko lng po na noticed na may ganto pala gusto ko po sana makapag work abroad pag sa korea po ba need or required pa ang mag aral ng korean language para sa EPS TOPIK? At kelan po ulit pwede mag registered para sa mga bago? Salamat pi Admin sana po masagot ang mga katanungan ko.
God Bless and more power po
Hi! Hindi po required na mag-aral sa language center pero kailangan po alam nyo ang Korean language. Pwede naman mag-self study. Next registration po ay next year na mga january or february.
Ok po maraming salamat po sa informasyon Maam Ana Park God Bless you po.. Mag tatry po ako next year.
Maam Park last question po.. Kelangan po ba talaga na marunong ka ng salita ng language nila lahat lahat kaya pinapatupad na mag exam ng korean (EPS TOPIK) or pwede na kahit basic lng ang nalalaman ? Salamat po sa pagsagot ng katanungan ko maam pasensya na po hehe
Mas maganda naman kasi na mas maraming alam. Hindi yung pwede na. This year 35,000 ang nag test pero 7000 lang nakapasa sa EPS TOPIK. Ang passing score kasi depende sa taas na nakuha ng mga nag test. Kaya mas mabuti mag aral na mabuti at wag umasa sa pwede na.
Hi ma’am ana.kapag po ba hindi nkapasa sa KLT pwede pa rin po bang magtake ulit sa susunod na taon?
Hi po! Yes pwede pa rin mag-take basta qualified pa.
Thanks po ma’am..pag aaralan ko po mabuti mga tinuturo sa youtube.this time po kc nsa saudi po ako.balak ko pong mgapply sa korea nxyr pgka end ng contract ko try ko po mgaral ng korean language.mkkhabol po kaya ako if by august pa po uwi ko ng pinas??
Hello po admin!
Pwede po ba kumuha ng eps-topik ung nka pag tourist na sa korea at wala namang violation dahil legal naman po ang entry at exit? Salamat po
Yes basta po hindi nag overstay
Maam.nakapasa po ako sa 1st round test kaya lang failed po ako sa skillstest,ask ko lang po kung may chance pa akong makasali sa roster?
hi good day mam ana park.. tatanong ko lang po sana kung kailan ulit possible na mag publish ng schedule for next eps topik examination this year??? thank you po
Pede po ba kahit nakasalamin?
Maam.nakapasa po ako sa 1st round test kaya lang failed po ako sa skillstest,ask ko lang po kung may chance pa akong makasali sa roster?please po,i need an answer..
Mam pano po kung. May scars. But im pretty clear and fit to work .. At may medical clearance may chances po. Ba ako??
Hi! Test po uli kayo kung meron po kasi minsan false positive.
Maam.back to zero na nga po ba ung mga nakapasa sa PBT tapos failed sa skills test?
Hello. I had tb before but was cleared na po nung 2013. unfortunately may lung scar po. Everytime na nagmemedical exam ako dinadala ko po ung previous records ko to prove na cleared na ko and yun fit to work nman po ako. makakapasa po ba ko s medical exam as long as cleared naman? Thank u po
hello po maam ask ko lang if pwede po ako mag work sa korea meron po ako scar sa lung kasi dati meron akong tb noong 15 years old ako pero nag gamot po ako ng six months naging okey naman po at magaling na ako ngyun po 34 years old na ako sa x-ray ko po may nakikitang scar at levisscolosis pero fix to work nmn ako sa company namin sana po matulungan po nyu ako
Hi ma’am, ask ko lang po. Kasi I’m a hepa b healthy carrier at fit to work naman po here in the philipiines. As of now I’m a call center agent and the company is aware of that as well. I’m capable of doing works din po healthy and strong. Eager po kasi akong mag apply sa korea as factory worker. I’m a sewer at dati na din akong nagwowork as factory worker. May chance po ba ako na matanggap? Iniisip ko po kasi ito pra hnd masayang ang application ko once na mag proceed ako? kc bka hnd din po i honor? please reply po….thank you so much!
Hello po mam ask po ako anu po ba pinagkaiba nung pbt at cbt? Wla po akong work experience na related sa work na kukunin sa south korea kc iba po work ko dito aa pilipinas at never pa din po ako nagtrabaho sa south korea. So first time ko po tlga kung sakali. Anu po ba ang dapat kung itake pbt or cbt? Or dalawa po tlga un na itetake? Pcncya na po medyo naguguluhan po tlga ako gusto ko pa naman magapply. Thanks po sa reply.
Mayron na po bang Schedule ng EPS exam ng 2018
admin ok lng po b may tatoo?
Yes. Kahit mataba o payat, matangkad o pandak (depende sa boss po)
Hi mam,
May i ask po, kasi wala po akong middle name since birth.
Pwede po ba sa korea ang walang middle name? meron na rin po akong passport. hope to get an answer from you po. thank you so much and god bless po
Ask ko lang po… passing in eps- topik does not guarantee an employment. So far, marami po ba aang pumasa na hindi nakakakuha ng job? Tnx in advance…
Yes. Marami ang pumasa na hindi napili. Usually 4-5k ang kinukuha sa Pinas every year.
Hi gud eve po… totoo po ba na 1% chance lang if babae ang mag aapply… nakakalungkot naman po iyon…
Hi teacher po ako ng technical course like electrical at mechatronics ppwde ko po b ilagay un as work experience or maxado n po irelevant para maging work experience para sa korea? sayang kasi points din po kc..
Sana po masagot ?
kung mas ok po b na leave the work experience portion blank sa profile ng poea?
Ilagay nyo po sayang din kasi.
admin meron po bang color blind test?
Yes po. Sa Pilipinas at pagdating sa Korea.
PEDE PO BA YUNG NA CESARIAN ?
Basta po physically fit.
Mai national certificate po ako ng tesda kaso expire ok lng po ba ilagay parin da profile?
Hi po! ilang beses po ngkakaron ng exam dto sa pinas.?
Pwede po ba aa malabong mata? Gumagamit po ako ng eyesglass.. Pero naman po ako colorblind
Pwede naman po. Colorblind lang po ang hindi pwede.