Tips sa pagsumbong ng krimen
Kapag nakasaksi o kaya’y nakaranas ng pinsala sa krimen, ay kaagad na makakatanggap ng tulong mula sa pulisya kung tatawag sa 112.
- Kapag nagsumbong sabihin ng mahinahon kung kailan·saan paano ang tinamong pinsala, anyo ng gumawa ng krimen·katangian kagamitan·bilang·direksyon ng pagtakas at pamamaraan.
- Kapag nagsumbong sa 112 gamit pampublikong telepono (pindutin ang pulang pindutan pang-emerhensiya+112) kahit walang barya, maaari din itong gamitin sa panahon ng emerhinsiya.
- Para sa pagkalap ng ebidensya hayaan ang magulong lugar na pinangyarihan ng sakuna hanggang dumating ang mga puslisya.
Numero sa paghingi ng tulong
Sumbungan sa krimen at pang-emerhensiya | |
Sumbungan ng krimen | 112 |
Sentrong pang-emerhensiya para sa kababaihang biktima ng karahasan at paaralan | 117 |
Emerhensiyang sumbungan sa karahasan sa paaralan | 1588-7179 |
Cyber Terorismo·Sumbungan batay sa pinsala sa personal na impormasyon | 118 |
Batang nawawala·Sumbungan sa naglayas | 182 |
Emehensiya tawagan para sa kababaihan | 1366 |
Danuri Call Center | 1577-1366 |
Reklamo ukol sa pamumuhay | |
Sunog·Pangunang lunas sa pasyenteng nasa kritikal na kalagayan·Sumbungan sa emerhensiya | 119 |
Gabay at reklamong pampamahalaan Call center | 110 |
Gabay turista para sa mga dayuhan | 1330 |
Reklamo sa paglabag ng karapatang pantao· konsultasyon | 1331 |
Pagpapayo para sa tulong legal | 132 |
Pagpapayo para sa kabataan | 1388 |
Mga uri ng krimen na madaling
magawa dahil hindi alam
Ang mga krimen kaugnay sa karahasan tulad ng (pangbubugbog pananakit·pananakot·pagpasok sa tahanan ng walang pahintulot, paninira ng ari-arian·pagkulong·pamimilit·pagtubos at iba) mga sumusunod ay tatanggap ng mas mahigpit na parusa.
●●Paulit-ulit na pagsasagawa ng krimen·pagsasagawa nito ng higit sa dalawang tao·grupo o pangkaramihan at pagdadala ng armas at mga
mapanganib na bagay
●●Pagsasagawa ng krimen na may layuning bumuo o sumanib sa samahan
Huwag magdala ng kutsilyo·bakal na pamalo·lagari at iba pang bagay na maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa buhay at katawan ng tao kung walang sapat na dahilan.
Akdang parusa
Batas para sa magaang krimen artikulo 3 ika2 (Multang 100,000won pababa, Pagkakulong o pagmumulta)
Batas upang kontrolin ang pagmamayari ng baril, armas at pampasabog artikulo12(Pagkakulong ng 5taon pababa o multang 10,000,000won pababa)
Pagsusugal, Pagtatayo ng sugalan
Huwag magsugal ng mahjong (Tsino), mataas mababa (Taylandiya), sokdiya (Vietnam), poker, baraha at iba pang sugal na may pustang pera.
●●Ang pagbibigay ng lugar sugalan ay nabibilang sa krimen ng pagsusugal na maaring tumanggap ng mahigpit na parusa.
Smishing
●Sa pamamagitan ng celphone ‘pagkakaloob ng libreng Kupon’ pagclick ng internet address → ma-iinstall ang malware sa smartphone
→ magbabayad ang biktima na walang kaalam-alam at magdulot ng indibiduwal na pinsala pagkawala impormasyong pinansiyal
●●Kahit ang mensahe na galing sa kakilala kung ito ay may kasamang internet address tumawag at kompirmahin bago ito i-click, ang app na
hindi kompirmado sa smartphone patibayin ang setting security upang maiwasan ang pinsala.
※ Paraan ng pagpapatibay ng setting security: Suriin Preferences
Seguridad Device Management “Hindi kilala ang pinagmumulan∨check
- Ang pagkuha ng bisikleta na nasa daan at mga bagay na tila walang may-ari ay maaaring parusahan batay sa pagnanakaw o kaya’y kasong pag-ookupa ng nawawalang gamit.
- Ang pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng indibiduwal na transakyon na hindi dumaan sa pinansiyal na institusyon ay maaaring tumanggap ng mahigpit na parusa.
- Ang dayuhan na may edad na 17taon pataas ay nararapat na mayroon at laging dala ang kanyang pasaporte at katibayan bilang dayuhan(ARC), ang lumabag nito ay maaaring patawan ng multa 1,000,000 won pababa)
- Domestikong karahasan
Ang pulisya ng Korea ay tumutulong sa kaligtasan ng paninirahan
- Ang dayuhang biktima ng murder, panggagahasa, pagnanakaw, karahasan, pisikal na pinsala at iba pang patikular na krimen ay hindi pinapasa
sa opisina ng imigrasyon upang pangalagaan karapatang pantao at pangangalaga bilang biktima kahit ilegal ang paninirahan. - Dahil sa pagaalala na malantad ang identidad at mapauwi sa pamamagitan ng deportasyon ay hindi pinaa alam ang pinsalang natamo, huwag mag-atubili humingi ng tulong sa pulisya.
●●Ang kabilang na krimen murder, pagnanakaw, panggagahasa, pisikal na karahasan, pagkamatay dulot ng kapabayan, pagpapabaya, pagnanakaw, panloloko, pagtubos katumbas ng pera, paghuli at pagkulong, pananakot, pangaalipin, panggagambala sa karapatan, sapilitang harasment, karahasan at espesyal na batas sa parusa, espesyal na kautusan sa pagkakasalang sekswal at espesyal na batas na may kinalaman sa kasong trapiko. - Kahit hindi personal na bumisita sa opisina ng pulisya maaring magtungo sa mga tanggapan na itinalaga bilang ‘Sentrong tumutulong sa mga dayuhan’ ng pulisya tulad ng Sentro para sa multikultural na pamilya·mga organisasyon na hindi konektado sa gobyerno.
- Proseso sa paggamit
Nangyari ang krimen na ang biktima ay dayuhan. Ipagbigay alamsa Sentrong tumutulong sa dayuhan o konsultasyon natanggap ng ugnayang panlabas na pulisya·konsultasyon. Abiso sa pulisya at tanggapang may kaugnayan·proseso
●●Magtungo sa Sentrong tumutulong sa dayuhan at ipaalam ang pinsala at ikonsulta ang mga abala ukol sa pamumuhay ang tagapamahala ng tanggapan ay ipaaalam opisyal ng ugnayang panlabas ng pulisya ang reklamo at ang nilalaman ng konsultasyon ay ipapadala kaugnay na departamento ng pulisya para sa proseso o ipaaalam sa kaugnay na organisasyon. -
♠Hakbang batay sa nilalaman ng konsultasyon at inireklamong krimen
●● Ang reklamo tulad pisikal · domestiko · karahasan sa paaralan·paloloko (reklamo at demanda) at iba kasong pulisya ay direktang isasaayos ng kaugnay na pulisya.
●● Ang suliranin kaugnay sa pasahod·pang-industriyang aksidente·suliranin sa paninirahan ay ipagbibigay alam sa kaugnay na tanggapan tulad ng kagawaran ng manggagawa·kagawaran para sa kababaihan at pamilya·kagawaran ng hustisya o kaya’y tanggapan ng embahada o konsulado.
- ⊗ Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng pulisya para sa impormasyon ukol sa lugar ng Sentrong tumutulong sa mga dayuhan.
- Maaaring tumanggap pagsasanay upang maiwasan ang pinsala sa krimen at pagsasanay sa
pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho. - Para sa ligtas na paninirahan ng mga dayuhan
— Bumibisita sa mga lugar kung saan nagtitipon ang mga dayuhan tulad ng Sentro para sa multikultural na·lugar ng trabaho·organisasyon na hindi konektado sa gobyerno upang ipagbigay alam ang kadalasan na nagaganap krimen mga bagay na dapat pag-ingatan, konsultasyon ukol sa kahirapan at namamahala ng ‘pagsasanay sa upang maiwasan ang krimen sa pamamagitan ng pagbisita’,
— Namamahala ng libreng pagsasanay sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.(Mayroon 10 lengguwaheng libro na ginagamit
para sasa pagsasanay) - ♠ Para sa katanungan sa pagsusulit sa pakuha ng lisensya sa pagmamaneho
●●Awtoridad sa trapikong daan Call center 1577-1120 (http://koroad.or.kr)
●●Eksaminasyon : 10 lengguwahe
※ Ingles, tsino, hapones, vietnamese, thai, mongol, indonesia, ruso, khmer, tagalog - ⊗ Magtanong sa pinakamalapit na tanggapan ng pulisya departamento ng ugnayang panlabas sa paggamit ang pagsasanay upang iwasan ang krimen at pagsasanay sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.
- Serbiyong interpretasyon para sa mga dayuhan na hindi pamilyar sa lengguwaheng Koreano
♠ Operasyong ng serbisyong interpretasyon
●● Interpretasyon at gabay turismo ………………………………….. 1330
Koreano, Ingles, Hapon, Tsino 4 na lengguwahe
●●Danuri Call Center ………………………………………………. 1577-1366
Vietnamese·Mongol, Khmer 13 na lengguwahe
●●Pangkalahatang gabay sa dayuhan ………….. 1345, 1661-2025
Thai, Indonesian, Urdu 20 na lengguwahe
●●BBB Korea ……………………………………………………………. 1588-5644
Turko·Poland·Hindi·Malayo 19 na lengguwahe
⊗ Operasyong ng serbisyong interpretasyon
●● Interpretasyon at gabay turismo ………………………………….. 1330
Koreano, Ingles, Hapon, Tsino 4 na lengguwahe
●●Danuri Call Center ………………………………………………. 1577-1366
Vietnamese·Mongol, Khmer 13 na lengguwahe
●●Pangkalahatang gabay sa dayuhan ………….. 1345, 1661-2025
Thai, Indonesian, Urdu 20 na lengguwahe
●●BBB Korea ……………………………………………………………. 1588-5644
Turko·Poland·Hindi·Malayo 19 na lengguwahe
⊗ Kapag ang dayuhan ay tumawag, ang serbisyong interpretasyon ay ginagamitan ng tawag sa pamamagitan ng 3 linya(pulisyainterpreter- nagrereklamo)
Source: www.police.go.kr