Ang “nabak kimchi” ay isang uri ng kimchi na karaniwang inihahanda tuwing tag-init. Hindi gaya ng “bechu kimchi”, ito ay hindi gaanong maanghang at meron siyang sabaw. Inihahanda ito bilang “banchan” o side dish at maaari rin itong gamiting sabaw sa “kuksu” o noodles.
Nabak Kimchi (나박김치)
Mga Sangkap
(300g) 1/5 ulo ng malaking mu (labanos)
150g baechu (Chinese cabbage)
20g pa (berdeng sibuyas)
3 piraso ng maneul (bawang)
1 piraso ng saenggang(luya)
1 piraso ng bulgeun gochu (pulang sili)
30g minari (parsley)
mga jat (pine nut)
Yangnyeom (Seasoning)
2 Tbsp.ng sogeum (asin)
2 Tbsp. ng gochutgaru (pulang siling durog)
1 tsp.ng seoltang (asukal)
Kimchi Gukmul ( Kimchi Water)
1 1/2 Tbsp ng sogeum (asin)
5 tasa ng mul (tubig)
gochugaru (red pepper paste)
** Paraan ng Paggawa**
- Gumamit ng malambot na buod ng Chinese Cabbage Hiwain ang buod ng Chinese cabbage at labanos sa maliliit na piraso na humigit-kumulang na 2.5cm lapad at 33cm sa haba, at saka ibabad sa asin
- Munghayin ang mga sibuyas , bawang, luya at walang butong pulang sili sa 3 cm haba. Linisin ang perehi at munghayin ito sa 3cm haba.
- Hugasan ang ibinabad na labanos at Chinese Cabbage.Ihalo ang mga minunghay na berdeng sibuyas, bawang,luya,walang butong pulang sili at mga panimpla, at saka ilagay sila sa lalagyan
- Maglagay ng tubig na may asin sa mangkok at itaktak ang plang siling durog gamit ang tela.
- Ilagay ang malinis na pine nuts, at saka idagdag ang perehi kapag naperment ang kimchi
Source: 다문화가정을 위한 한국요리 Daewoo Securities