Noong Oktubre ay nai-announce ng Immigration Office ng South Korea na hindi na sila tumatanggap ng aplikasyon para sa E-7-4 visa. Ang proseso ng pagkuha ng E-7-4 visa ay nag-umpisa noong ika-1 ng Agosto. Sa pamamagitan ng visa na ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga may E-9 visa na palitan ang kanilang estado sa bansang Korea. Tatlong daan o 300 lamang ang pinayagan na makapagpalit mula Agosto 1 hangang Disyembre 31. Subalit naabot na ang limitasyon noong unang linggo pa lang ng Oktubre. Samakatuwid, hindi na tumatanggap ng aplikasyon ang Immigration Office.
Para sa taong 2018, ang aplikasyon ay magbubukas muli sa Enero 2. Kaya’t dapat paghandaan ang mga kailangang dokumento habang maaga. Ang bagong mga patakaran ay isisiwalat ng Immigration Office bago ang Disyembre 20. Maaaring halos pareho at konti lang ang maaaring magbago sa pagkuha ng puntos at dokumento na kailangan.
Para sa kasalukuyang pagkwenta ng kailangang puntos, basahin ang “Alamin ang E-7-4 Visa“.