I posted the ABS-CBN Bandila news snippet on “Emgoldex scam” on a Facebook group a few days ago. It has generated a lot of jeers and cheers from the Filipinos in South Korea. The Philippine Embassy in South Korea also posted the SEC Advisory on Emgoldex and that has received over 500 comments! What’s funny is that I see friends arguing over the legality of it. I have acquaintances here in Korea who have invested in Emgoldex in Korea ~ but who am I to judge them, it’s their money they’re using.
But is Emgoldex in Korea really a scam or is it a worthy investment? I have seen the Youtube video (in Tagalog) on “investing” in Emgoldex. As I understood, you invest your money and recruit two people who would invest under you. The people you recruited also need to ask two people each again until you are able to exit the table to get your investment and profit.
ANG EMGOLDEX BA SA PILIPINAS AY LEGAL?
Ayon sa SEC (Securities and Exchange Commission), ang Emgoldex ay HINDI REHISTRADONG kumpanya sa Pilipinas. Ang SEC ay ang kagawaran ng gobyerno ng Pilipinas na may awtoridad sa korporasyon o partnership. Sa punto kung “legal” o hindi, ang SEC ang nagsabi na hindi legal ang “Emgoldex Philippines” dahil hindi nakarehistro sa kanila. Ayon pa sa SEC, ang Emgoldex Philippines ay walang karapatan na tumanggap ng pera o investment.
ANG EMGOLDEX BA AY ISANG PYRAMID/PONZI SCHEME?
Ayon sa mananaliksik ng Beyond MLM, ang Emgoldex ay may halong Pyramid at Ponzi scheme, kung saan ang mga miyembro ay kumikita sa pamamagitan ng pag-enganyo sa iba na sumali. Ang mga naunang miyembro ay nababayaran sa pamamagitan ng pera ng mga baong sumasaling miyembro, ayon pa sa Beyond MLM. Sa Youtube video tungkol sa pagsali sa Emgoldex, ang miyembro na hindi makapag-recruit ng dalawang miyembro ay hindi kikita kahit nakalabas sila sa “table”.
PARA SA MGA EPS WORKERS, MAAARI BA SILANG SUMALI SA EMGOLDEX?
Ang isang EPS worker o ang may E-9 visa ay hindi maaaring sumali sa mga aktibidad ng pagkita ng pera maliban sa trabaho nila habang aktibo ang bisa nila, ayon sa Immigration Office. Malungkot na medyo limitado ang pwedeng gawin ng mga EPS workers sa Korea. Kasali ba ang page-engayo sa pagsali sa Emgoldex rito? Mas magandang itanong ng diretso sa Immigration sa numerong 1345 para sigurado.
KIKITA BA TALAGA SA EMGOLDEX?
Sa mga posts ng kakilala kong nasa Facebook at sumali sa Emgoldex ay kumita naman daw sila ng higit pa sa perang inilabas nila. Pag-exit nila sa table, naeenganyo uli sila na sumali dahil nasubukan na nilang kumita.
BAKIT NAG-AAWAY ANG MGA NASA FACEBOOK DAHIL SA EMGOLDEX?
Malay ko ~ natutuwa lang ako sa pagbabasa ng mga komento ng bawat panig. Nyahaha ~ joke!
Siguro yung mga kontra sa Emgoldex ay naiinis pag kinakaibigan sila at pag FB friends na ay biglang yayain sa Emgoldex. Di ba pwedeng maging friends muna talaga? Yung iba naman na nakahanap ng mga dating kaibigan ay maaaring naiirita rin na sa hinaba-haba ng panahon na hindi sila nagkaalamaan ay tungkol uli sa Emgoldex ang bukang bibig bago man magkamustahan.
Sa mga panig naman sa Emgoldex, nakakasira sa pag-recruit pag sinasabihan ng mga kontra na “scam” sila. Ang dating nga naman eh nanloloko sila kung ang marami naman talaga ay iniisip lang ang pagkita ng pera.
Sa parehong panig, ayos lang naman na “ipaglaban ang paniniwala” pero wag na sana sa paraan na nagiging masyado ng personal at nagkakasakitan na ang mga magkakaibigan. Hinay-hinay lang.
SUMALI AKO SA EMGOLDEX, ANO PWEDE MANGYARI SA ‘KIN?
Kung sumali ka at nakapag-recruit ka ng dalawang tao at nag-exit ka sa table, nakatanggap ng ginto o kumita ng pera ~ E DI WOW!
Kung sumali ka at hindi ka nakapag-recruit ng dalawang tao at walang kinita sa pag-exit mo, o kaya ay tinakbuhan ka gaya ng nasa ABS-CBN video ~ E DI CRY!
Ako naman po eh hindi kontra at hindi rin ako para sa Emgoldex. Wala naman akong pera na i-invest kung sakali at wala namang ginagawang masama sa kin ang mga sumasali sa Emgoldex ~
Sa mga gusto o ayaw na sumali sa Emgoldex, malalaki na kayo at may sariling pag-iisip para suriin ang mga bagay-bagay. Kung naniniwala kayo sa Emgoldex, hindi ninyo kailangan na lagi na lang “defensive” at sa mga hindi naniniwala sa Emgoldex, di naman kailangan daanin sa insulto. Gabayan ang kaibigan kung sa palagay mo ay mas nakakaintindi ka 😀